✩。:•.───── ❁ 🎀 ❁ ─────.•:。✩
((A/N: more on Spanish dapat ‘tong mga pag-uusap dito kaso I don't have time pa para kay translator so pure Filipino na lang. Hehe!✌🏼))
✩。:•.───── ❁ 🎀 ❁ ─────.•:。✩
Takipsilim na sa bayan at sumisilay na ang gasuklay na buwan. Samantalang matiyagang nagbabantay si Heneral Sebastian.
Ilang oras na rin ang nakalipas ngunit wala namang kahit na anong kahina-hinalang bagay na maaaring mapaglagyan ng maraming pulbura ang kanilang nakita.
“Heneral, may isang heneral po na nagmula pa sa Cavite ang naririto!” wika ng isa sa mga guwardiya.
“Sino siya?” tanong ni Sebastian sa guwardiya.
“Hindi namin kilala, Heneral. Tumanggi ring magpakilala.” sagot ng guwardiya.
Napaisip naman si Sebastian kung sino iyon. ‘Imposible namang hindi kilala ng mga guwardiya si Heneral Roberto. Kung gano’n ay hindi iyon si Roberto. At kung bakit naman kailangang tumangging magpakilala? Isa ba siyang kriminal?’ “Kung gayon ay nasaan ang heneral na iyan?”
“Kasalukuyan siyang naroon sa inyong tanggapan. Nais diumanong makausap ang Heneral dito.” paliwanang ng guwardiya.
Kaagad namang nagtungo si Sebastian sa tanggapan ng heneral.
Pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kaniya ang isang heneral na ngayon pa lamang niya nakita. Nakaupo ito sa malapit sa kaniyang lamesa. Tumayo naman ito at nagbigay galang nang makita si Sebastian.
“Pagbati, Heneral Sebastian Guerrero!” magiliw na bati ng bisitang heneral.
“Anong maipaglilingkod ko Heneral—” tugon ni Sebastian na sinadyang bitinin ang pagsasalita upang magpakilala ang kausap.
“Leandro. Heneral Leandro Flores.” pakilala ng kaharap.
Napatango naman si Sebastian. “Kung gayon ay ano ang maipaglilingkod ko, Heneral Leandro?”
“Nais ko lamang makipagkaibigan.” tugon ni Leandro.
Napaisip naman si Sebastian. ‘Hindi basta-basta nakikipag-kaibigan ang isang heneral nang walang dahilan, lalo pa’t dumayo pa ito mula sa Cavite.’
“Hindi naman sa ayaw kong makipag-kaibigan, ngunit maaari bang iyong ilahad kung sa anong kadahilanan Heneral Leandro?” tanong ni Sebastian na hindi kumpiyansado. Lalo na’t may salawikaing nagsasabing ‘Ang taksil na kaibigan, ay higit na masama kaysa kaaway.’
“Bakit hindi?” tanging tugon ni Leandro.
Magsasalita pa sana si Sebastian ngunit may biglang pumasok sa tanggapan at may ibinalita. “Heneral! Lumulusob ang mga rebelde!”
“Ano?!” gulat na sambit ni Sebastian. Napatingin pa siya kay Leandro na tila ba sinasabing ‘sandali lang’ at nagmadaling lumabas. Hindi naman niya ibig na matawag na walang galang sapagkat ‘Ang reputasyon ay parang buko, mahirap nang buohin kapag nabiyak na.’
Hindi niya namalayang nakasunod pala si Leandro sa kaniya.
✩。:•.───── ❁ 🎀 ❁ ─────.•:。✩
BINABASA MO ANG
Salambaw Ng Salamisim (ILYS1892×Salamisim)
Historical Fiction"Salamisim sa bawat pahina ng talaarawan ni Carmela." A Fanmade Short Story (I Love You Since 1892 x Salamisim) [WINNER] written: February 23-26, 2024 munting epilogo: June 30, 2024