✩。:•.───── ❁ 🎀 ❁ ─────.•:。✩
Napatingin naman si Faye kay Carmela, alam niyang napaka-inosente ng babaeng ito sa panahong ito, hindi niya puwedeng iwan ang babaeng ‘yon dito.
“Puwede bang isama ang mga kaibigan ko, Sebastian?” tanong ni Faye na humihingi ng pahintulot. Nailang naman siyang binanggit ang ‘kaibigan’ dahil hindi pa naman sila ganoon kalapit sa isa’t-isa ni Carmela.
Pinagmasdan pa ni Sebastian sina Carmela at Theresita at pumayag din naman kaagad dahil wala ng oras at kailangan na nilang makaalis sa lugar na iyon.
Pagkasakay sa kalesa ay mabilis na itong pinatakbo ni Niyong.
Natatakot man ang lahat ngunit nagibabaw ang kuryosidad ng dalawa tungkol sa pagkatao ng isa’t-isa.
“Anong year ka nanggaling?” pabulong na tanong ni Carmela kay Faye. ‘Kung nanggaling ang kausap ko sa mas advance na civilization ay marami akong malalamang mga bagay na ‘mangyayari pa lang’ kapag natapos ang misyon ko at nakabalik sa panahon ko.’
Ang kalesa ay nakarating sa gubat kung saan halos walang katao-tao.
“Twenty seventeen.” tugon ni Faye na pabulong din. Hindi naman sila nahirapang magbulungan dahil magkatabi sila. Napatingin naman siya kay Carmela sa ideya na, “Posibleng sa magkaibang panahon din tayo nanggaling!”
Medyo napalakas ang pagkasabi ni Faye kaya’t napalingon sa kaniya sina Lolita at Theresita na kanina pa nagtataka sa kakaibang asal ng dalawa.
Napasimangot naman ng kaunti si Carmela nang malamang isang taon lang naman pala ang agwat nilang dalawa kung pagbabasehan ang taon na pinangalingan nila.
Sasagutin na sana ni Carmela si Faye nang magsalita si Sebastian. “Siguro ay ligtas na tayo rito.” wika ni Sebastian na pinapahinto na kay Niyong ang kabayo. “Malayo na ito sa bayan, kung sakaling mayroon ngang sumabog ay hindi na aabot pa rito ang epekto niyon.”
Tila wala naman siyang narinig sa pag-uusap ng mga kasama niya dahil ang buong atensiyon niya ay nasa kanilang kaligtasan.
Pinababa naman silang lahat ni Sebastian. “Dito na muna kayo, si Niyong na ang bahala sa inyo.” utos ni Sebastian.
“Ha? Bakit? Paano ka?” tanong ni Faye kay Sebastian.
“Isa akong heneral. Hindi ko maaaring basta na lamang iwanan ang bayan. Lalo na’t kailangan ako nito” paliwanang ni Sebastian. Lumapit siya kay Faye at niyakap ito.
“Grabe ba’t may pa gan’yan?” komento ni Carmela. ‘How ‘bout me?’
Ayaw pa sanang kumawala ni Faye sa pagkakayakap na iyon ngunit kailangang makabalik na si Sebastian. “Mag-ingat ka! Bumalik ka nang ligtas!” pakiusap ni Faye kay Sebastian.
“Pangako iyan.” tugon naman ni Sebastian na bumalik na sa kalesa at pinatakbo ang kabayo.
Naiwan naman silang lima sa pusod ng kagubatan.
“Señorita, paano kung hinahanap ka na ngayon ni Don Alejandro? Anong gagawin natin?” nangangambang tanong ni Theresita kay Carmela. “Maaaring maparusahan po ako dahil—” hindi na natapos ni Theresita ang sasabihin dahil sumingit na si Carmela.
“Ano ka ba. Huwag kang mag-alala dahil ligtas na tayo ngayon.” wika ni Carmela upang mapayapa ang isip ni Theresita. “Mabuti na lang nakatagpo tayo ng mga kaibigan.” patuloy niya sabay tingin kay Faye.
BINABASA MO ANG
Salambaw Ng Salamisim (ILYS1892×Salamisim)
Historical Fiction"Salamisim sa bawat pahina ng talaarawan ni Carmela." A Fanmade Short Story (I Love You Since 1892 x Salamisim) [WINNER] written: February 23-26, 2024 munting epilogo: June 30, 2024