✩。:•.───── ❁ 🎀 ❁ ─────.•:。✩
Sino ang makapagdidikta ng dapat na mangyari para sa kinabukasan ng lahat?
✩。:•.───── ❁ 🎀 ❁ ─────.•:。✩
Malapit na ang bukang-liwayway ngunit nasusunog pa rin ang halos buong bayan dahil sa himagsikang naganap. Nagkalat din ang mga bangkay sa paligid.
Nakatayo si Carmela sa gitna ng kalye habang pinagmamasdan ang pinsala. “I didn't expect na ganito pala kalala ang mga naganap sa history.” sambit niya sa sarili.
Natapos din naman ang labanan ng mga rebelde at mga guwardiya sibil na inabot ng ilang oras.
“Kumusta, Carmela?” napalingon si Carmela sa pinanggagalingan ng tinig.
“Madam Olivia!” sambit ni Carmela. “Buti na lang po talaga nandito na kayo. Help me po. Ayoko na dito. ” pagsusumamo ni Carmela na naiiyak na.
“Bakit naman? Ang ganda naman dito eh.” singit naman ng isang pari na kasama ni Madam Olivia.
“Anong maganda? Natutupok na nga ang halos lahat dito.” sumbat naman ni Madam Olivia sa pari.
Napatitig naman si Carmela sa pari. ‘Ba’t parang hindi naman kagalang-galang ang isang ‘to? Pari ba talaga siya?’
“Sino po ang—” itatanong na sana ni Carmela kung sino ang pari na iyon ngunit dumating na rin sina, Faye, Juanito at ilan pa nilang nakasama sa labanan.
“Carmelita!” tawag ni Juanito sa kaniya. “Mabuti naman at nasa maayos kang kalagayan.” patuloy nito.
“Ikaw ba Juanito, ayos ka lang?” tanong ni Carmela sabay usisa kay Juanito.
Napatikhim naman ang pari at napatingin sa kaniya ang lahat.
“Padre Emmanuel?” puna ni Faye. “Bakit ka po nandito?” patuloy niya.
Nagkibit-balikat si Padre Emmanuel pero sumagot din naman. “Ang daan palabas ay hindi naman talaga daan upang makatakas o makalaya.”
Bumulong naman si Carmela kay Faye. “Ano daw sinasabi niya?”
“Hindi ko naintindihan” tugon naman ni Faye.
Nagsalita naman si Lorenzo. “Ang ibig niyo ho bang sabihin ay walang paraan upang lumaya ang bayang ito?”
Nakuha ni Lorenzo ang atensiyon ni Padre Emmanuel. “Kung sakaling maging malaya nga ang bayang ito mula sa gobyerno ng Espanya ay masasabi mo bang iyon ay tunay na kalayaan? Malaya ka na ba talaga kapag nangyari iyon?” wika ni Padre Emmanuel na humukay sa salagimsim at salamisim nila.
“Kalayaan?” sambit ni Madam Olivia. “Iyan ang gusto ng lahat dito pero hindi iniisip kung anong kahihinatnan niyon.” patuloy pa niya na para bang sinasabing ‘same vibes kami ni Padre Emmanuel.’
Pinaalala naman ng salamisim kina Faye at Carmela na nanggaling sa malayang sibilisasyon kung ano ang estado ng bayang ito sa panahon nila sa hinaharap.
“Maayos naman po ang bayang ito sa susunod pang daang taon ah.” paliwanag ni Carmela.
“Oo nga naman” segunda pa ni Faye.
Binasag naman ni Santino ang pananahimik. “Paano niyo nasasabi iyan? Walang sinuman ang nakakaalam kung anong mangyayari bukas.” kampante niyang komento.
BINABASA MO ANG
Salambaw Ng Salamisim (ILYS1892×Salamisim)
Historical Fiction"Salamisim sa bawat pahina ng talaarawan ni Carmela." A Fanmade Short Story (I Love You Since 1892 x Salamisim) [WINNER] written: February 23-26, 2024 munting epilogo: June 30, 2024