(3rd Omniscient POV)
✩。:•.───── ❁ 🎀 ❁ ─────.•:。✩
Makikita ang kariktan ng kapaligirang napakapayak kung saan lubos na kapansin-pansin ang etnisidad nito.
Ang paligid na simple lang, ang mga kabahayan, maraming puno na makikita, masarap langhapin ang napakasariwang hangin. Magagara ang mga kabayo at kalesa na pang-mayaman, mayroon ding kalabaw at carromata na medyo maputik na. Dahil ginagamit iyon sa pagsasaka.
Maraming tao sa paligid na may kaniya-kaniyang itinitinda. Dahil ito ang palengke nila.
Sa kabila ng kabihasnang ito ay halos walang nakapansin sa mga nilalalang na hindi nabibilang dito.
“Ate Tanya, ano pa ho ang kailangan ninyo?” puna ni Lolita kay Faye na pasulyap-sulyap sa mga paninda sa pamilihan.
Napatingin naman si Faye sa palad niyang may natitira pang salapi. “Ewan. Ano bang gusto mo, Lolita?” patanong na sagot ni Faye na para bang isang malaking problema kung paano niya gagastusin ang natirang salapi.
Napaisip naman si Lolita. “Itabi niyo na lang ho kaya iyan? Maaari ninyong magamit iyan kung sakaling kailanganin mo na, Ate Tanya.” suhestiyon ni Lolita.
Hindi naman maikakaila ni Faye na may punto nga si Lolita kaya ibinalik na lang niya ang salaping natira sa kaniyang bulsa at inalalayan si Lolita sa pagdala ng mga pinamili nila.
Sa kabilang dako naman ay mayroon ding namimili sa pamilihan na kung tutuosin ay ibang nilalang din at hindi nabibilang sa kabihasnang ito.
“Hala ang gandang baso nito oh” wika nito sabay abot ng isang basong gawa lang naman sa tanso.
“Mura lang iyan señorita Carmelita, ngunit marami namang baso sa inyong tahanan. Wala nang paglalagyan pa.” puna ni Theresita na siyang katulong ni Carmelita.
Napatingin naman si Carmela sa baso. Sa isip niya, kung makabibili siya ng marami niyon sa murang halaga at maibenta sa mga antique collectors kapag nakabalik na siya sa panahon niya ay puwede na siyang makabili ng maraming iPhone.
Ibinalik din naman ni Carmela ang baso. “Maghahanap na lang muna ako ng bag na mapaglalagyan niyan.” tumingin naman siya kay Theresita. “Sa’n ang bag area rito?” tanong niya na halos hindi maitago ang ngiti na parang batang excited mabilhan ng laruan pero nasa sinaunang mall.
Napansin ni Carmela na parang na-loading pa si Theresita sa tanong niya. “Ibig kong sabihin ay ‘yung ano, mga nilalagyan ng mga gamit kapag naglalayas? Hays ano bang tawag do’n.” paliwanang niya na naisip na baka kung makapagdadala siya ng mga gamit mula sa panahong ito ay may souvenir na siya kapag nakabalik siya sa kung saan siya nararapat.
Napalinga-linga naman si Therisita at napaisip. “Ah! Doon po señorita!” magiliw na tugon nito sabay turo sa isang tindahan sa hindi kalayuan.
Kaagad namang nagtungo ang dalawa sa tindahan ng mga tampipi.
“Iyan ho ba ang tinutukoy mo señorita? Hindi ho ako sigurado kung iyan ang ibig mong sabihin, ngunit ginagamit naman iyan na lalagyan ng mga gamit kapag naglalayas.” paliwanang ni Theresita na nag-iisip kung ‘bakit sa tampipi ilalagay ang mga baso?’
Napahawak si Carmela sa kaniyang sentido. “Ano nga namang ini-expect ko? LV bag? Gucci? Dior? Hays.” bulong niya sa sarili.
“Umuwi na lang tayo, Therisita. Pero sinisiguro kong madedekwat ko rin ang mga baso na ‘yon soon.” wika ni Carmela na nanggigil sa mga baso. Mukhang hindi na rin nagtaka pa si Theresita sa pinagsasabi ng amo niya.
Akmang aalis na sila sa kanilang kinatatayuan nang biglang mayroong sumingit.
“Wait lang!” sambit ni Faye na hinawakan ang kanang kamay ni Carmela nang napansin ang pananalita ni nito.
“Ate Tanya, mukhang mayaman ang binibini na ‘yan, maaaring maparusahan tayo.” bulong ni Lolita kay Faye.
“Hindi naman, magtiwala ka sa ‘kin.” mabilis at pabulong na sagot ni Faye kay Lolita.
“Hala, nanggaling ka rin ba sa future?” sambit ni Carmela nang mapansin ang English na nabanggit ng babae.
“Yes! Oo!” magiliw na tugon ni Faye na lumawak na ang ngiti. “So ikaw rin?” patuloy niya.
Tumango naman si Carmela na umaliwalas ang mukha dahil sa ideyang hindi pala siya nag-iisa sa kababalaghang pinagdaraanan niya ngayon. Para bang nananalamin siya at nakita ang kaniyang repleksiyon na nakikiramay sa kaniya ngayon.
Agad naghawak-kamay ang dalawa na nagtatatalon at nagtitilian na para bang nanalo sila sa lotto.
Nagkatinginan naman sina Theresita at Lolita na tila ba tinatanong sa isa’t-isa kung anong nangyayari sa mga kasama nila.
Naging pormal din naman sila nang napansing napatingin na sa kanila ang iba pang mga tao sa pamilihan dahil sa hindi kaaya-ayang kilos ng nila.
“Anong pangalan mo?” naunang tanong ni Faye kay Carmela. Sinisiguro niyang hindi isang karakter sa Salamisim ang kaharap.
“Carmela—Carmelita! Carmelita ang pangalan ko.” tugon ni Carmela na naisip na kahit pa katulad niyang nanggaling sa future ang kausap ay Carmelita pa rin ang pangalang dapat niyang ipakilala.
“Ako naman si Faye, pero ‘Tanya’ na lang ang itawag mo sa ‘kin.” kusang pagpapakilala ni Faye. Inaala niyang walang Carmelita na karakter ang Salamisim, kung gano’n ay ‘sino ang isang ‘to? At paano siya napadpad dito?’
“Matagal na ho ba kayong magkakilala?” usisa ni Lolita.
Halos nakalimutan nila saglit na nasa sinaunang panahon nga pala sila.
Nag-isip naman sila kaagad ng magandang palusot. “Ah, oo.” Kahit na ito pa lang ang una nilang pagkikita. “Nagkakilala kami sa—” hindi alam ni Faye kung saang lugar ang dapat niyang banggitin.
“Sa pamilihan! Dito kami nagkakilala.” dugtong ni Carmela sa palusot ni Faye na nginitian si Lolita para maniwala. Kung tutuosin, dito nga naman talaga sila unang nagkita.
Sasabihin pa sana ni Theresita na hindi pa niya nakitang nakausap ni Carmelita ang babaeng ‘yon, at kailanman ay hindi nagtutungo ng pamilihan si Carmelita nang nag-iisa, pero biglang dumating si Heneral Sebastian Guerrero sakay ng kalesa nito at si Niyong na kutsero.
Nakita rin nila ang iba pang mga tao na nagmamadali patungo sa iba’t-ibang direksiyon. Takang-taka naman ang apat na ‘parang kanina lang ay matiwasay naman ang usad ng lahat. Bakit biglang nagkakagulo?’
“Kanina pa ako naghahanap sa iyo, Tanya sakay na bilis!” sigaw ng heneral na tila nagmamadali.
“Anong nangyayari?” tanong ni Carmela.
“May balitang laganap na diumano ang mga pampasabog sa buong bayan, kailangan na nating umalis.” paliwanang ni Niyong.
Napakunot ang noo ni Faye sa ideyang ‘wala namang ganoong pasabog ang isinulat kong Salamisim. Maaaring may kinalaman nga dito ang pagsulpot ng babaeng nagngangalang Carmelita’.
Nagulat Carmela sa narinig. “Bomba ba? Oh my gosh. Ayokong mamatay dito!” ‘Ngunit sino naman ang may planong pasabugin ang buong lugar?’
✩。:•.───── ❁ 🎀 ❁ ─────.•:。✩
Dear Diary,
Ayoko pang mamatay! At mabura sa salamisim ng lahat! Ngayon pa ba ako maglalaho dito kung saan may karamay na akong nakilala na nanggaling din sa panahon ko? Help me!
Nangangamba,
Carmela✩。:•.───── ❁ 🎀 ❁ ─────.•:。✩
BINABASA MO ANG
Salambaw Ng Salamisim (ILYS1892×Salamisim)
Historyczne"Salamisim sa bawat pahina ng talaarawan ni Carmela." A Fanmade Short Story (I Love You Since 1892 x Salamisim) [WINNER] written: February 23-26, 2024 munting epilogo: June 30, 2024