IV: Salaghating Salamisim

50 4 0
                                    

✩。:•.───── ❁ 🎀 ❁ ─────.•:。✩

Makikita ang mga pinsala kahit saan man lumingon. Kahit pa nababalot ng kadiliman ang langit ay sumisilay naman ang gasuklay na buwan na siyang nakangiti na para sa isang salamisim na mabubuo ngayon.

“Anong sunod na hakbang? Patapos na ang labanan at wagi na tayo.” wika ni Lorenzo.

“Aba’y magdiwang tayo!” tugon naman ni Catapang sabay halakhak.

“Lorenzo! Hindi namin masumpungan si Heneral Sebastian.” sigaw ni Tadeo na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan.

“Oo nga pala, bakit biglang naglaho ang isang ‘yon? Naduduwag siguro.” puna ni Catapang.

Hindi naman masabi ni Lorenzo na nakita niyang tumakas si Sebastian dahil kasama nito si Faye. Kung sakaling mahuli ang Heneral na iyon ay maaaring mapahamak din si Faye.

“Kalimutan niyo na lang ang isang ‘yon.” sambit ni Lorenzo. O mas dapat niyang sabihin iyon sa sarili niya na ‘kung maaari ay makalimutan ko na sana ang damdamin para kay Faye na isang salaghating salamisim.

“Wala nang magagawa pa ang Heneral Sebastian na iyon.” segunda naman ni Catapang.

“Siya nga pala, anong nangyari sa isa pang heneral na dayo raw dito?” singit naman ni Mang Pedro sa usapan habang nagmamasid pa rin sa paligid dahil maaaring may kalaban pa.

“Pinakawalan ko na” tugon ni Lorenzo. “Kapag pinatulan ko iyon baka kung dumagsa pa rito ang maraming kalaban.”

Ang totoo niyan, pagod na si Lorenzo, pagod na sa lahat. Ngunit pilit pa rin niyang inuudyok ang sarili na maging matapang. ‘Maging matapang para sa aking mga mahal sa buhay, sa aking pangarap, at sa aking hinaharap.

“Gano’n ba. Kung tutuosin ay puwede mo namang patayin kaagad iyon. Makapagtatawag pa ba siya ng mga kasama kung wala na siyang hininga?” komento ni Catapang. “Biro lang, hindi naman tayo pumapatay nang hindi patas ano.” dugtong pa niya at humalakhak na naman.

“Ayan na sila!” magiliw na sambit ni Catapang nang makitang pabalik na ang ilang mga kasama na nàhuli o nagpaiwan upang siguraduhing walang kahit daga ang makaliligtas.

“Anong balita?” bungad ni Mang Pedro sa kanila.

“Ayos naman” tipid na tugon ni Santino.

Bigla namang dumating si Faye na hindi kasabay ang iba pa. Sa ibang dereksiyon ito sumulpot.

“Sa’n ka ‘galing?” tanong ni Carmela kay Faye. Huli na nang maalala nya kung anong ginawa nito. Nagsisisi na kaagad siya kung bakit niya pa itinanong.

Napatingin naman si Faye kay Carmela at nag-isip ng isasagot. “Ah Carmelita, puwede bang sumama ka sa akin?” tanong ni Faye na hindi sinagot ang tanong ni Carmela at parang may mahalagang sasabihin. “May itatanong lang ako sa ‘yo.”

Pumayag naman si Carmela at dumistansiya sila mula sa mga kasamahan nila.

Huminto sila sa isang mayabong na puno.

“Saan ka nanggaling?” tanong ni Faye na ibinalik kay Carmela ang tanong.

D’yan lang naman.” sagot ni Carmela na itinuro pa ang kinaroroonan ng mga kasama niya.

“Hindi ‘yon.” puna ni Faye. “Saang panahon ka nanggaling o ‘yung totoo mong buhay.” paliwanang niya. Alam ni Faye na maaaring tunay na tao si Carmela.

“Sa 2016.” sagot ni Carmela. “Bakit?” naisip niya na baka puwede siyang matulungan ni Faye.

“So totoong tao ka nga.” sambit ni Faye. Hindi niya akalain na isang taon lang ang pagitan nilang dalawa.

Napaisip naman si Carmela sa sinabi ni Faye. “Huh? Ikaw ba hindi ka tao?” tanong ni Carmela na iniisip na baka tulad ni Madam Olivia ay hindi mortal itong kaharap niya.

Natatawa naman si Faye sa naging tugon ni Carmela. “Ang totoo kasi niyan.” panimula ni Faye. “Isa akong author at ito ang kuwentong isinulat ko.”

Napakurap naman si Carmela at tiningnan ng maigi si Faye kung ‘totoo ba ang sinasabi nito o nagbibiro lang.

“Kuwento?” tanging salitang lumabas sa bibig ni Carmela.

“Oo ang Salamisim.” wika ni Faye na pinipilit na mapaniwala si Carmela. “Isang kuwento sa loob ng libro.”

Hindi maintindihan ni Carmela kung paano naging isang libro ang kuwento nina Carmelita at Juanito. Ang hindi naman maintindihan ni Faye ay kung bakit nagkakaroon ng iba pang mga karakter ang kuwentong ito.

“Sigurado ka ba?” paniniguro ni Carmela. “Baka kung—” hindi na niya itinuloy ang sasabihin dahil baka makasakit siya. Sasabihin niya sana na ‘baka kung ikaw si Sisa’.

Napabusangot na lang si Faye sa ideyang mahirap nga naman paniwalaan ang ganoong kaganapan.

“Eh pano natin maaayos ang kuwentong ito?” tanong ni Carmela na kinabuhayan ng loob ni Faye.

Kaya nga lang, kahit si Faye ay hindi alam kung paano mabigyang sulosyon ang mga nangyayari sa kanila.“Hindi ko alam.” wika ni Faye. “At hindi ko alam kung paano ko malalaman.”

Talagang napakagulo na ng kuwento. Hindi na ito umaayon sa banghay na ginawa ni Faye. Ang kuwentong isinulat niya na talagang isang salaghating salamisim ay mas lalong lumalala.

“Tanya!” sigaw ni Sebastian habang papalapit ito kay Faye. “Wala nang halos natira pa sa mga guwardiya sibil.” wika nito.

“Bakit nandito ka? Puwede kang patayin ng mga rebelde!” sumbat ni Faye kay Sebastian.

“Eh ‘di ba dapat ay mga katulad ni Heneral Sebastian ang ginagawang kakampi ng mga rebelde para maging mas mabilis ang pag-aalsa?” wika ni Carmela. Ganitong mga senaryo ang madalas niyang nakikita sa mga movie, film o series na napapanood niya.

“Wala silang mapalala sa akin.” sambit ni Sebastian. “Bakit naman ako magtitiwala sa mga kalaban rebelde?” sagot ni Sebastian kay Carmela.

“Ay oo nga pala ‘no?” nasabi na lang ni Carmela. “Pero ikaw nga eh, kaanib ‘tong si Tanya na rebelde.”

“Kaanib ka rin nga ng mga rebelde kahit nabibilang ka sa alta sociedad.” sagot ni ni Sebastian na nagpatigil kay Carmela.

“Hindi ko naman ginusto ang lahat nang ito.” mahinang tugon ni Carmela. “Ah Tanya, maiwan ko na muna kayo.” paalam niya sa dalawa.

“Sige Carmelita, salamat!” tugon ni Faye. Humakbang naman na si Carmela palayo sa kanila.

Kung tutuosin, hindi naman talaga ginusto ni Carmela ang nangyayari ngayon sa kaniya. Hirap na hirap na rin siya. Ngunit kahit anong mangyari, sinisikap niyang hindi siya magagapi ng salaghating salamisim.

✩。:•.───── ❁ 🎀 ❁ ─────.•:。✩

Dear Diary,

          Hindi ko inakala na aabot ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko na alam kung totoo ba ang lahat ng ito? Nagwagi nga ang mga naghimagsik pero ang dulot nito ay salaghating salamisim sa alaala ng mga tao rito.

Nag-aalala,
Carmela

✩。:•.───── ❁ 🎀 ❁ ─────.•:。✩

Salambaw Ng Salamisim  (ILYS1892×Salamisim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon