Hermis School of Magical Arts

50 5 1
                                    


HERMES
𝓢𝓬𝓱𝓸𝓸𝓵 𝓸𝓯 𝓜𝓪𝓰𝓲𝓬𝓪𝓵 𝓐𝓻𝓽𝓼

Ang Hermes School of Magical Arts ay isang pribadong paaralan na itinatag ni King Hermes Trismegistus noong 1706. Itinatag niya ito matapos ang digmaan sa pagitan ng Kingdom of Tarz at Brekin Empire, kung saan ang mataas na kaalaman niya sa magic ang naging dahilan ng pagkapanalo nila laban sa imperyo.

ꪜ𝓲𝓼𝓲𝓸𝓷
Itinatag ang Hermes School of Magical Arts upang magbigay ng mataas na kalidad ng edukasyon sa magical arts sa pamamagitan ng pagsasanay at pag-aaral sa ligtas at magandang paraan at mabigyan ng pagpapahalaga ang mga future Magic Knights ng Kingdom of Tarz.

ꪑ𝓲𝓼𝓼𝓲𝓸𝓷
Ang misyon ng Hermes School of Magical Arts ay hubugin ang mga mag-aaral sa larangan ng magic sa pamamagitan ng kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga sa moralidad at etika. Kabilang dito ang paghubog sa mga future Magic Knights na nagpapanatili ng kaligtasan at kapayapaan sa Kingdom of Tarz.

***

ᗰᗩGIᑕᗩᒪ ᗩᖇTꇙ

Ang magical arts ay isang sangay ng pag-aaral sa mundo ng Deogracia kung saan ang tuon nito ay pag-aralan ang mga bagay na konektado sa magical prowess of the world. Kabilang dito ang pag-aaral sa mga uri ng magic, magic spells, magical creatures, magical incantations and essences, alchemy, runecasting, dark forces at iba pa.

HERMES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon