Intro

39 4 2
                                    

Warning: walang romance.

***

Pumasok ako sa Hermes para mag-aral. Gusto kong malaman ang level ng edukasyon sa numero uno'ng paaralan sa Kingdom of Tarz, at matuto sa mga itinuturo dito.

Pero wala sa matrikulang binayaran ko ang pandirihan, batuhin ng fireballs, basain ng tubig, laglagan ng malalaking bato at ikulong sa classroom!

Ano bang meron sa mga utak ng estudyante sa Hermes at ganito ang takbo ng mga isip?

Hindi yata braincells ang naroon, kundi lumot.

"Salot!"

"Hindi ka bagay dito!"

"You're a danger to us!"

Ilan lang yan sa mga tinatapon nilang salita sa akin.

Ang mga ganyan ay matitiis ko pa. Pero ang pisikalan, hindi ko na yan palalampasin.

I'm not evil, but not a saint either.

HERMES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon