3. First Chaos

24 4 6
                                    

CHAPTER 3
First Chaos

SAM

NANG BANGGITIN ang classification nong lalaking kalinya ko kanina ay nagulat talaga ako. Dahil bukod sa SSS ang current rank nito, X din ang possible rank growth.

Ngunit ang nakakatakot ay isang warlock ang class nito. Ang Warlock ang isa sa forbidden class sa Kingdom of Tarz. Bihira lang makakita ng Warlocks sa kaharian, dahil kung meron man na matagpuang Warlock ay nagpapalit agad ito ng class at restricted sa paggamit ng dark magic, o di kaya ay pinapaalis sa kaharian. Kung sakali man na lumabag sila at gumamit ng dark magic ay paniguradong mayayari sila sa Magic Knights.

Kaya ganun na lamang ang gulat ko nang makitang Warlock ang class nitong lalaki. Ngunit bigla nalang akong nahilo pagkatapos. Pinilig ko ang ulo ko dahil umiikot ang paningin ko. Ilang sandali lang din nang bumalik sa dati ang pakiramdam ko.

Nang lingunin ko ang paligid ko ay nangunot ang noo ko. Ang lalaki kase na nasa gilid ko ay naroon pa rin at nakalinya.

"Wade Nightingale!"

Para bang inulit yung pangyayari kanina kung saan bago pa lamang pupunta sa harap itong lalaki.

Ilang sandali lang at binanggit ng dean ang classification niya. Pero ang pinagtataka ko ay hindi Warlock ang class na binaggit. Maging ang rank at rank growth ay malayo sa narinig ko kanina.

Medicine Achemist? Hindi Warlock? Ano 'to?

Pagkatapos nitong inanunsyo ang classification nitong Wade ay ako na ang sunod na tinawag.

"Samiel..." nakangiti si Professor Tyr nang nasa harap na ako.

"Hello po, Professor Tyr," nakangiti ring bati ko. Iniwaksi ko pansamantala ang gumugulo sa isip ko. Ngunit hindi pa rin ito nawawala nang tuluyan. Binabagabag pa rin ako.

"How's Trei?"

"Ginagawa nya po yung best nya para gawin 'yong task na binigay nyo, Professor!" Galak na sabe ko. Hindi na ako nagulat na kilala ako ni Professor Tyr, dahil bukod sa estudyante nya si kuya ay stockholder din ang dad ko dito sa Hermes, malamang ay nabanggit nila ako kay Professor. Kahit unang beses kong makita si Professor Tyr ay pakiramdam ko kumportable ako sa kanya.

"Good, good..." Iminuwestra na nya ang bolang kristal kaya naman ay inilagay ko na ang kamay ko roon. Ilang sandali lang ay inanunsyo na nya ang classification ko.

Elemental Summoner ang class na naibigay sa akin dahil ang pinili kong fields ay Elementalism, Summoning Magic at Spiritualism.

Hindi na ako nagulat dahil matagal nang nakamarka sa family namin ang summoning magic. Halos lahat sa pamilya ko ay summoners, nag-iiba lang sa branches.

"Goodluck to your journey here in Hermes," magiling na bati nito sakin saka ako tinapik sa balikat. Tumango lang ako.

Pagkatapos ay umalis na ako at bumalik sa kinaupuan ko kanina. Ngunit noong nakita ko itong Wade na nasa likuran lang ng inuupuan nina James ay agad kong napag-desisyunan na lumipat nalang.

"Pero bakit nga tayo lumipat?" Hanggang nakaupo kami sa harapan ay hindi natigil si James sa kakatanong. "Ano? Ha? Bakit?"

"Wala nga!"

"Tsk. Meron!"

"Ewan sayo. Si Bard guluhin mo."

"Hindi nga makausap kaya ikaw ginugulo ko!"

HERMES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon