4. Expulsion

12 4 0
                                    

CHAPTER 4
Expulsion

WADE

NAPADAING ako nang bumagsak ako sa marmol na semento matapos tumama ang likod ko sa sahig.

Ang sakit naman nun.

Ngunit imbes na mag-inarte pa ay pinili kong tumayo at tumingin sa lalaki na iyon na dahilan ng pagtalsik ko. Gusto ko rin siyang gantihan, ngunit pinigil ko nalang ang sarili ko nang makita kong may papalapit na professor sa gawi namin.

Bumuntong hininga nalang ako at sinuri ang suot kong damit. May bakas na ng dumi roon, ngunit hanggang ngayon ay buo pa rin. Nice.

"TO MY OFFICE, NOW!" Malakas na sigaw nitong professor na halos maputol na ang litid sa sobrang galit. Maging ako ay napalunok dahil nakakatakot ang itsura nito. Tch. Muling sumigaw itong professor, "Those who are involved, you know who you are! Follow me! Those who do not follow, expel!"

Matapos niyang sumigaw ay nag-martsa na ito paalis. Wala na rin akong nagawa at sumunod na lang doon.

"OMG! Expulsion agad, para 'yon lang?" rinig kong bulong ng isang estudyante.

"Grabe nga 'yon, Jessica. That's crazy!" sagot nitong kasama nya.

Nagtuloy-tuloy na ako maglakad. Dahil kailangan ko ring dumaan sa exit ng Great Hall ay wala rin akong magagawa kundi dumaan sa tatlong estudyante na masama ang tingin sa akin.

Iyong babae na sinampal ako ay nagdidilim ang tingin nito sa akin. Iyong katabi n'yang lalake na inatake ako ay bakas ang pagkainis at nuya habang tinitignan rin ako nito. Iyong pangatlo naman sa likod nila na lalake, hindi ko maintindihan ang mukha nito. Parang inis na parang naguguluhan.

Dinaanan ko nalang sila at hindi pinansin. Hanggang malampasan ko sila ay randam ko pa rin ang mga matatalim nilang tingin. Nang makalampas ako sa kanila ay naglakad na ako patungo sa isang pasilyo kung saan dumiretso ang professor. Nagulat pa ako nang bahagya nang makita iyong lalake kanina na si Samiel.

Himala at hindi ito nakadikit sa mga kaibigan n'yang ungas.

Tinaasan ko siya nang kilay nang magtama ang paningin namin. Lumunok lang siya at nag-iwas ng tingin.

Bakit parang takot na takot sa akin 'to? Wala naman akong ginagawa d'yan? Tsk.

Binuksan ko na ang pinto ng office saka ako pumasok roon, bumungad sa akin ang hindi gaano kalawak na espasyo, ngunit hindi rin masikip. Pagtapos kong buksan 'yung pinto ay sinara ko rin ulit. Bumungad sa akin ang isang mesa na nasa gitna ng office na hindi malaki ngunit hindi rin maliit. Mayroong dalawang silya sa parehong unahan nito pero magkabilaan. Sa likod ng mesa na iyon ang professor na nakaupo, nagsusulat ito ng kung ano-ano sa isang papel habang salubong ang kilay.

Nang dumako ang tingin ko sa isang plaka sa gilid nito, nakasulat roon ang pangalan ng professor.

REMBRANDT SANTILLAN
Head of the Gratitude Enchanters

Head of Gratitude Enchanters? So, a peace officer. Kaya pala siya iyong unang professor na pumunta sa amin.

Hula ko ay sila ang ininform ng security personnels dahil sila ang nangunguna sa pagpapanatili ng katahimikan sa Hermes.

Nang mag-angat ng tingin ang professor ay nangunot ang noo nito. "Saan ang iba?"

Nag-kibit balikat lang ako. Ilang segundo lang rin ay narinig ko na ang mga kaguluhan sa labas. Ayan na ang mga ungas.

Naglakad na ako sa isang gilid ng office saka doon tumayo. Matapos noon ay pumasok na isa-isa ang mga estudyante.

Unang unang pumasok ang babae na nanampal sa akin, Dianne ang pangalan nito base sa narinig ko kanina. Sumunod itong James, sunod ay ang Bard. Saka pumasok itong Samiel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HERMES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon