2. Medical Alchemist

21 5 5
                                    

CHAPTER 2
Medical Alchemist

WADE

PRINTE AKONG nakaupo sa kinauupuan ko nang mag-anunsyo si Professor Tyr ng pagsisimula ng selection. Isa-isang nagsitayuan ang mga estudyante at luminya. Dalawang linya ang ginawa nila, habang ako ay tumayo na rin at nakilinya sa kabila. Dito ko naisipang makilinya dahil mas nakikita ko rito ang mga stockholders. Sa kanang bahagi sila ng Grand Hall nakaupo at sakto namang malapit si Frances sa mga nakalinya. Isa kase sya sa mga stockholder, nakaupo sya sa hilera ng mga stockholder, pero sya yung pinakamalapit sa aming mga nakalinya.

Nang malapit na ako sa unahan ay natatanaw na ako nito. Nginitan nito ako nang makita nya ako saka suminyas.

Tumango lang ako.

Bago ako pumasok sa Grand Hall kanina ay sinabihan nya pa ako na huwag lumikha ng gulo. 'Yon rin naman ang plano ko eh.

Dahil kailangan ko ang ability ni Frances ay kinakailangan na malapit ako sa kanya bago nya iyon maisakatuparan ang plano, lalo na maraming mataas ang rango dito sa loob ng hall. Hindi pwedeng ma-detect ang ability nya ng ibang stockholders, o ng mga personnel.

Nang nasa harapan na ako ng linya ay may nakaagaw ng atensyon ko.

Siya 'yung nasa harapan ko kanina nong nakaupo ako.

Sino na nga ulit to? Ilang beses kong narinig ang pangalan nito kanina e.

Sean? Sham?

Medyo nagulat pa ako nang bigla ako nitong lingunin at taasan ng kilay.

Anyare dyan?

Sa mga oras na ito ay binanggit na ni Professor Tyr ang classification nitong kaibigan nya, yung nasa unahan nya kanina sa linya. Alam kong kaibigan nya 'to since kakwentuhan nya ito kanina sa upuan.


Bard Sinclair
Class: Dragon Knight (Magic Swordman)
Rank: F
Possible Rank Growth: B

Namamangha akong tumingin pa rin sa lalaking 'to dahil sinusuri pa rin ako nito hanggang ngayon. Hindi man lang pinansin ang anunsyo ni Professor Tyr. Ilang segundo lang ay biglang nanlaki ang dalawang mata nito saka natulala. May palunok-lunok pa.

Don't tell me...

"Wade Nightingale!"

Nang tawagin ang pangalan ko ay inalis ko na ang tingin sa lalaking 'to saka ako dumiretso sa harap.

Nangunot ang noo ni Professor Tyr nang nasa harap na nya ako.

Sinubukan kong ngumiti, pero hindi ko magawa. Nakapirmi na talaga sa mukha ko ang hindi makangiti.

"Professor Tyr," bati ko rito.

Ngumiwi ito. "Field?" walang ganang tanong nito.

"Healing magic, alchemy..."

Tumaas ang kilay nito. Ngunit hindi na nagsalita pa. Sinenyasan nalang ako nitong ilagay ang kamay ko sa ibabaw ng bolang kristal.

Ilang sandali pa ay luminawag ang bolang kristal. Mga ilang minuto ring nanatili akong nakatayo ngunit hindi pa rin inaanunsyo ni Professor Tyr ang classification ko.

Ilang sandali pa ay bumuntong hininga ito saka nag-anunsyo.


Wade Nightingale
Class: Medical Alchemist
Rank: F
Possible Rank Growth: C

Matapos nyang mag anunsyo ay umalis na agad ako doon at bumalik sa kinauupuan ko kanina. Nadaanan ko pa si Frances na nakangisi sa akin at nag thumbs up.

Hindi na ako nagulat sa kinalabasan. Wala talaga akong talent sa alchemy. Haha.

Sakto namang pagkaupo ko ay bigla akong napapikit at bumuntong hininga.

Ang inuupuan ko kase ay basa ng tubig!

"Hahaha. Medicine Alchemist?!" narinig kong bulong nong isang estudyante sa paligid. Yung bulong na rinig naman sa buong hall. Bwesit.

"C-rank possible growth? Ano ba yan! Bakit nakapasok 'yan dito sa Hermes," bulaslas ng isa pa saka tumawa ng malakas.

"Medicine Alchemist... pftt!"

"LT so much!"

"Ano ba kayo, Odette! Selena!"

Sa halip na mainis ay natawa nalang ako sa loob ko. Ano bang meron sa medical alchemy at nilalait nila 'to? Eh, sa dati kong paaralan, kapag medical alchemy ang class mo ay ituturing kang isang elite, kahit pa nasa C o D ang rank growth.

Nasa ganun akong sitwasyon nang marinig ko ang anunsyo ni Professor Tyr.

Samiel Smintheus
Class: Elemental Summoner
Rank: B
Possible Rank Growth: S

Hmm. Samiel? Sam...
Not bad. Tsk.

Saktong nakabalik na ang Samiel na ito sa kinauupuan nang magtama ang paningin namin. Nagsalubong ang kilay niya saka binigay ang atensyon sa tatlo niyang kaibigan na nakaupo lang sa harap ko.

Hindi na sya nakaupo sa kinauupuan kanina, ngunit nasa harap ko pa rin sila nakaupo, nagbago lang ang arrangements ng upo nila. Kaya naman madali na akong makita nitong Samiel dahil nasa gilid na ito banda at hindi sa unahan ko.

"Guys, lipat tayo nang upuan," si Samiel, salubong ang kilay.

"Ha? Bakit?" isa nyang kaibigan, yung maingay.

"Basta!" Tumayo na ito nang hindi pa hinihintay ang sagot ng mga kasama saka lumipat sa medyo unahan pa.

"Sabe mo eh..."

Nang nasa malayong unahan na sila ay pinaalis nila ang nakaupo doon saka sila naupo.

Mga baduy.

Saktong umupo na ako nang printe nang maramdaman ko ulit ang kinauupuan ko. Basa, pero ngayon ay mas ramdam ko na ang pagkabasa nito. As in para nang bagong laba ang pang-ibaba na suot ko sa sobrang pagkabasa nito. Narinig ko pa ang hagikgik ng dalawang estudyante, yung dalawa kanina na pinagtatawanan ako.

Napapikit nalang ako sa inis.

Mamaya kayo sakin!

Pasikreto kong inikot ang kamay ko. Ilang sandali lang ay natuyo na ang pants na suot ko. Hinayaan ko nalang ang dalawang babae kanina habang binubulyawan ito ng isa pa nilang kaibigan.

Ilang oras pa akong naupo roon. Dahil naburyo na ako ay sumandal ako sa kinauupuan ko at natulog. Paggising ko ay saktong natapos ang classification at nag-alisan na ang mga tao sa hall.

Tumayo na rin ako at lumabas. Saktong pagkalabas ko ay hindi ko inaasahan ang sasalubong sa akin.

Pak!

Nanlisik ang mata ko nang makita kung sino ang nanampal sa akin.

"Dianne..."

HERMES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon