1. Selection

31 5 11
                                    

CHAPTER 1
Selection

SAM

"WHAT DID YOU SAY?" iritadong nilingon ko si Bard, kaibigan ko.

"I said, your father is here!" matigas na aniya. Dinidikit nya ang mukha sa akin, tumatalsik ang laway sa pisngi ko.

Nanunuyang pininasan ko ang pisngi ko, tinitigan ng masama ang lalakeng ito. "Seriously?!"

"Oo."

I just rolled my eyes. Alam ni Bard, maging ng dalawa kong kaibigan, na hindi maganda ang ugnayan namin ng ama ko.

My father is here. Inulit ko iyon sa isip ko saka iginala ang paningin. Nang matamaan ng paningin ko ang ama ko ay nanumbalik ang inis ko. Nakaupo ito sa unang hilera ng mga silya, kung saan nakaupo ang mga kilalang importateng tao sa Hermes.

Narito kami ngayon sa Grand Hall ng Hermes. Ang Hermes School of Magical Arts, o mas kilala sa pangalang Hermes, ay ang kinikilalang numero uno'ng magic academy dito sa kaharian ng Tarz. Para sa akin, ang Hermes lang ang natatanging magic academy sa kaharian sapagkat ang iba ay mga basura na.

Ngayon ang unang araw ng pasukan, at nakaupo kami ngayon habang hinihintay na ganapin ang selection. Ang selection ay tradition sa mga newcomers dito sa Hermes kung saan ika-classify ang iyong class at rank.

"Here we go again..." matamlay na bulong ko. Alam ko nang itutuon na naman ng ama ko ang atensyon sa akin buong oras, hihintayin na magkamali ako nang sa ganun ay may maisumbat sa akin pagkatapos. Hindi na bago iyon.

"Chill, Sam. It's the first day of school. Hindi naman siguro makikialam sa'yo ang dad mo ngayon." Sinusubukan nitong pakalmahin ako, saka nito tinapik ang balikat ko. Kahit papaano ay gumaan nang bahagya ang pakiramdam ko. Ilang sandali lang din ay bigla itong sumigla at tumawa. "Oh? Finally, the idiots are here," aniya pagkatapos ay kumaway sa harap.

Kahit hindi ko lingunin, alam ko na agad kung sino ang kinakawayan nito. Si Dianne at James, dalawa pa naming kaibigan.

"Yo, brats!" pagkadating palang ni James ay agad nito akong bintukan, sinunod nito si Bard. Hinawakan ko nalang ang ulo ko dahil medyo masakit ang pagkakabatok nya. Piste.

Binatukan din pabalik ni Bard itong si James pagkaupo nito. At iyon na naman ang alaskahan ng dalawa dahilan para lingunin kami ng ilang mga tulad naming newcomers. Inismeran ko lang sila.

Freshmen—mga tawag sa newcomers—ang lahat ng estudyante ngayon sa Grand Hall. Ang mga seniors kase ay hindi pumasok dahil ang alam ko ay bukas pa talaga ang official na klase para sa lahat. May mangilan-ngilan din akong nakita kanina sa labas na mga senior students, pero mga nag-iikot lang o di kaya ay gumagala lang.

Ngayong araw ay exclusive for newcomers dahil maliban sa selection, aayusin din ang set ups ng dorms. Boarding school ang Hermes, kaya may dorms talaga. Maliban sa dorm set ups ay ipa-familiarize din kami ng mga professors sa schedules namin, maging sa mga classroom at mga buildings dito sa paaralan.

"Your father is here," iyon ang bungad sa akin ni Dianne pagkaupo nya sa aking tabi, sa kaliwang bahagi. Sa kanan ko kase ay si Bard, at sa tabi nya naman ay si James.

Nang hindi ko siya sagutin ay inikutan nya ako ng mata. Natawa nalang ako.

Pumirmi siya nang upo, saka sinaway ang dalawa. "Boys, stop being jerks!"

Sa wakas ay tumigil ang dalawa sa harutan nila.

Ilang sandali pa ay dumami na ang mga freshmen. Napuno na rin ang mga bakanteng silya sa unahan kung saan nakaupo ang professors, stockholders, personnels at mga ilang senior student na alam kong mga myembro ng Student Council.

HERMES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon