*advisable to use data, to see the picture. Para 'di incomplete ang feeling kapag binasa ang chapter na ito.
- Itonesiks
***
Malaking palaisipan pa rin sa akin kung bakit tila ang layo pa rin ni Isaiah sa akin, kahit pa nakonsidera naman na namin ang isa't isa bilang "best friends".
"Wala na akong maintindihan," bulalas ni Xeandria.
Pasimple ko siyang sinulyapan, habang ang guro naman namin para sa general physics ay nagsusulat sa board. I also felt bored as her. Walang pumapasok sa utak ko, bukod pa sa nadi-distract ako sa mga katanungan sa utak ko.
We're seating in front for us to be able to focus when a scenario occurs like this. Katabi ko sina Xeandria, Antonnete, and Jhessiel who's seating on the end; bandang dulo sa gitna ng dalawang row. While our guy friends were sitting on the opposing side. Ang iba naman sa pinakadulo nakaupo.
Halos lahat ng kaklase namin ay malapit na sa loob namin. Some of them became our schoolmates since junior high, and some were official classmates since grade 11. Nagkaroon kasi ng randomization noong tumungtong kami ng grade 12. Randomization of where those students who deserve to be part of the cream section.
Suwerte pa rin ako na nandito pa rin ako, kahit alanganin ang scores ko during exams nakatungtong pa rin talaga ako.
Once the recess came, I thanked the heavens. Natuyot yata ang utak ko. Paano magkasunod ang General Physics at Practical Research 2.
"Lalabas ba kayo?" Jhessiel asked.
Gusto kong kurutin ang sarili ko, dahil ba ako nagkikimkim ng sama ng loob sa kaniya? Dahil ba hindi niya ako sinabihan na imbitado siya sa kaarawan ng Mama ni Isaiah?
I sighed and just fixed my binder to put it back inside of my bag.
"Kung lalabas si KC." Napatingin ako kay Xean.
Tumayo naman sa tabi ko si Antonnete at uminat. "Lumabas na kayo." Inakbayan niya si Jhessiel, she's way smaller than her. Kaya ang cute nila tignan. Mukha siyang hirap na hirap.
Suminghap ako at umiling. Wala akong gana lumabas. They can function without me.
"Sup, mga bossing!" Umirap ako sa kawalan nang mangibabaw ang boses ni Jameson.
Wala akong energy na makipag-socialize for today.
"Oh. Bakit lugmok 'yan? Basted ka, 'no—Aray!"
I arched a brow on him. Katabi niya si Ethane na halatang hinatak niya lang papasama sa kaniya. Ngumiti naman sa akin si Jameson at nagpeace sign pa. My eyes widened when Isaiah showed up and stood beside Ethane.
Now we seemed to have a normal circler here. Nasa harapan sila ngayon, at para kaming may meeting de abanse.
Isaiah smiled at me and walked in my direction while holding a paper bag. Humulma ang guhit sa noo ko.
"That's a cake." Kumurap ako nang maraming beses.
Does he feel sorry for not inviting me?
"Ay. Oo nga pala. Birthday ni Tita! Pasabi pala belated happy birthday," sambit ng katabi ko na si Xeandria.
Lumawak ang ngisi ni Aiah. "Sure thing."
"Pero wala ba akong cake? Walang pa-sharon?" She asked playfully.
"Mukha bang mayroon?"
Hindi ko nakita ang reaksyon ni Xeandria sa pagiging pilosopo ni Aiah. But I know she's already making faces.
YOU ARE READING
Loosen Us (Loose Trilogy #3)
Mystery / ThrillerLoosen Us (Loose Trilogy #3) [ On-Going ] Everyone admires her for being perfect, Kiara Cielle Margiella. She's smart, approachable, kind and a soft-hearted person. She's the friend of everyone a social-butterfly perhaps. But behind those good reput...