Chapter 8

129 0 0
                                    

"Where's Aiah? He's supposed to be here, right?" Kuya Rafa massaged the bridge of his nose while facing his phone. We're currently in his car, going to the main event where the pageant will be conducted.

"Sinabihan mo naman siya regarding this, 'di ba?" He asked for the nth time.

Hindi ako makatugon dahil kinakain na ng kaba ang dibdib ko. This is worse, kapag kinakabahan ako ngayon. Paniguradong mas malala ang kabang matatamasa ko mamaya kapag nasa entablado na.

Wala si Aiah dahil sa competition niya sa Batangas. He promised he'll come, basta huwag kong sasabihin kay Kuya Rafa na nasa ibang lugar siya.

"I only know how to fix your hair. Gosh. Pinagtabuyan pa natin ang make-up artist na provided ng school, dahil kay Aiah. Then now he's late?"

Pagkarating sa campus, patuloy pa rin siya sa pagdada. It only me, Kuya Rafa and two teachers who are assigned to take care of me. Isa sila sa tutulong sa pagpalit ng mga outfits ko para mamaya.

I saw some candidates who already preparing for later. Yung iba kasama ang magulang nila sa room assignment na 'to. While some is being with their friends.

"Aatin ba ang magulang mo, anak?" Tanong ng kasama kong teacher ko sa akin.

Pinilit kong ngumiti sa kaniya. Gusto kong sabihing hindi, pero ayaw kong kaawaan niya ako.

Every pageant I do, ni isa wala pang naaatin sina Mommy and Daddy, bukod sa busy sila. They're not into this. Lalo na si Mommy, as much as she can. She'll stop me from doing this. She's against this. Being afraid that this may be a step for me to get into the spotlight.

"Ako po ang guardian ni Kiara, Ma'am. Kaya huwag na po kayo mag-worry." Naramdaman ko ang paghatak sa akin ni Kuya Rafa sa magkabilang balikat ko.

Pinaupo niya ako sa isang vanity. Tila tinakasan namin ang guro kanina.

"Sabi ko dapat ikaw ang pinakamaganda ngayon. Sinasabotahe ka yata ni Aiah. May ginawa ka bang mali roon?" Gusto kong depensahan ang sarili ko sa bintang niya.

Kating-kati na ako na sabihing nasa Batangas si Isaiah. Si Isaiah naman kasi. Sinabihan ko na siyang ang school na ang bahala sa make-up look ko. But just like Kuya Rafa, they're irresistible! Kaya sila naturingang mag-bestfriend, eh.

"You can do your makeup naman ba?" pabulong na tanong niya, dahil baka marinig siya ng mga kasama naming guro.

Siyempre hindi niya sasabihin sa kanila. Mataas ang pride niya, eh. Saka kapag sinabi niya, ang gusto niya napapanindigan niya. Kaya alam ko ngayon tapak na tapak na ang ego niya dahil kay Isaiah.

Banayad akong tumango. Unsure of my own skills. Basic makeup skills lang ang mayroon ako, yung hindi pa makapal dahil most of the time clean makeup look lang ang ginagawa ko.

"Okay then. I'll do your hair." Sinimulan niya nang tanggalin ang hair rolls sa buhok ko. "Kapag nakita ko lang 'yang si Aiah, sasakalin ko 'yan."

Napadaing ako nang mahatak niya ang buhok ko. "Dahan-dahanin mo naman." Iritang bulong ko.

Para tuloy kaming mga espiya kung magbulungan dito. Sinulyapan ko sa vanity mirror ang dalawang gurong kasama namin na nagkukuwentuhan habang inaayos ang mga susuotin ko para mamaya.

Tila nabuhayan naman ang dugo ko nang maramdaman ko ang pagtunog ng cellphone ko mula sa bag ko. Mabilis ko itong kinuha.

"Baka si Isaiah na 'yan. Bungangaan mo." Parang may demonyong bumubulong sa likuran ko, ngunit hindi ko siya pinansin.

Bumagsak ang balikat ko nang makitang hindi si Isaiah ang tumatawag. It's Ethane, however I still answered his call.

"Hello? Does Aiah is there already?" Nagsalubong ang kilay ko. Sinimulan kong hanapin ang presensya ng binatang tinutukoy niya.

Loosen Us (Loose Trilogy #3)Where stories live. Discover now