Kabanata 1

48 4 0
                                    

[Ang Unang Kabanata]

1941.

Unang araw ng Disyembre, taong isang libo't syam na raan at apat na pu't isa (December 1, 1941). Abala sa paghahanda ng hapunan ang mga katulong sa loob ng bahay ng pamilya Madrigal. Si Anastasia, na siyang ilaw ng tahanan ay tinutulungan ang mga kasambahay sa pagluluto. Habang ang mga anak nitong dalaga na sina Mira at Sonata ay abala rin sa paghahanda ng hapag kainan. Ang bunso nilang kapatid na lalaki na si Grego ay nasa labas kasama ang iba pang mga batang kaedaran niya na halos nasa apat hanggang limang taong gulang pa lamang. Sama sama silang nakaupo sa isang malapad na kumot na inilapag sa lupa na napupuno ng mga damo habang kinu-kwentuhan sila ng kung ano anong mga bagay ni Leon na siyang matalik na kaibigan ni Sonata.

Si Grego ay apat na taong gulang pa lamang, tiyak na may malaking agwat sa pagitan ng kaniyang mga nakakatandang kapatid.

Mag tatakip silim na kaya't halos lahat ng mga kapitbahay nila sa Sitio San Gabriel ay abala na rin sa paghahanda ng hapunan.

Sa kalagitnaan ng pag-aayos ni Sonata sa hapag kasama ang kaniyang kapatid na si Mira ay napag-isipan nitong dalhan muna ng makakain ang mga bata sa labas ng bahay nila.

Naghanda si Sonata ng maraming tinapay na pinalamanan pa ng mantikilya. Inilagay niya ito sa malaking mangkok. Nagtimpla rin ito ng malamig na inuming mansanas at dinala sa mga batang nagkukumpulan sa labas ng bahay ng mga Madrigal kung saan mariin silang nakikinig ng kuwentong pambata ni Leon.

"Alam nyo ba, na ang mga aswang ay mahilig sa mga bata?" Rinig ni Sonata nang makalabas ito sa pinto ng bahay nila. Boses iyon ni Leon na siyang nagkukwento sa mga batang halos walang kurap na nakikinig nang mabuti sa kaniya.

"Mahilig sila sa mga bata. Lalong lalo na sa mga batang pasaway." Dagdag pa ni Leon sabay turo sa mga bata upang mas lalong maging kapani-paniwala ang kwento nito.

Isang batang lalaki ang napasimangot at nakaramdam ng takot dahil sa sinabi ni Leon. Sa kaniyang isip ay baka siya na ang susunod na kukunin ng mga aswang dahil lagi itong napapagalitan ng kaniyang mga magulang dahil sa pagiging pasaway nito.

"Leon, tinatakot mo masyado ang mga bata. Baka umiyak sila." Singit ni Sonata sa kasalukuyang nakatalikod na si Leon kaya't agad na napalingon ang binata sa kaniya.

Napangiti si Leon nang makita ang meryendang dala ni Sonata. "Ayos, mukhang masarap 'yang dala mo ah." Tumayo pa ang binata upang tulungan si Sonata sa mga dala nitong pagkain at inumin. Akmang kukunin na sana niya ang malaking mangkok na hawak ng dalaga nang bigla itong magsalita at marahan pa nitong iniwas ang mangkok na hawak niya.

"Hindi ito para sa'yo, para ito sa mga bata." Sagot ni Sonata dahilan upang mapawi ang ngiti ni Leon sa kaniyang mga labi. Bahagya pa siyang nilagpasan ni Sonata at hinarap ang mga bata.

Napatingin si Leon sa dalaga, napahawak pa ang binata sa kaniyang tyan na animo'y umaarteng gutom na gutom na ito kahit hindi naman ito nakikita ni Sonata sapagkat kasalukuyan nang nasa mga bata ang tingin niya.

"Eto mga bata, kumain muna kayo." Napaupo si Sonata sa malapad na kumot at inilahad ang mangkok ng mga tinapay sa mga bata. Patuloy namang nakatingin sa kaniya si Leon habang nakatayo ito at nakahawak ang isang kamay sa kaniyang tyan. "Sigurado akong nagugutom na kayo." Dagdag pa ni Sonata. Agad din namang pinag-piyestahan ng mga kabataan ang dalang pagkain ng dalaga.

"Nagugutom din naman ako." Mahinang sambit ni Leon mula sa likuran ni Sonata ngunit sapat lang iyon upang marinig nito.

"Kailangan nyong kumain mga bata upang mas lalo kayong lumaki." Ani ni Sonata nang hindi pinapansin ang binata sa kaniyang likuran.

ElehiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon