Prologo

54 5 0
                                    

Prologo : Libulan

Alas siete na ng gabi at halos wala naring katao-tao ang nasa loob ng Museo ng Del Asuncion. Malakas ang pagbuhos ng ulan na sinabayan pa ng walang tigil na pagkulog at kidlat ng kalangitan. Malamig at malakas din ang ihip ng hangin na siyang dahilan upang liparin ang ibang mga bagay sa labas ng museo kagaya ng mga posters, at iba pang bagay na nakapaskil sa paligid nito.

Si Liri na siyang lakad takbo ang ginagawa at basang basa na dahil sa ulan, ay napag desisyunan munang sumilong sa harapang pinto ng museo. Pulang pula ang mga mata nito na animo’y kagagaling lang sa pag-iyak.

Alas singko palang ay sarado na ang Museo ng Del Asuncion kaya’t alam nitong hindi na siya makakapasok sa loob. At kung bukas man ay hindi parin naman ito makakapasok dahil sa lagay niya ngayon na parang nilangoy ang karagatan dahil sa basang basa ito.

Panay ang reklamo ni Liri sa kaniyang sarili nang makasilong ito sa harapang pinto ng museo. Agad nitong binuksan ang bag na dala dala niya at napabagsak na lamang ang mga balikat nito nang makitang basang basa rin ang mga gamit na nasa loob ng bag niya.

“Malas naman!” Singhal ni Liri sa kaniyang sarili. Kinapa pa nito ang bulsa niya upang kunin ang kaniyang telepono at makapag text sa kaniyang mga magulang kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ito nakakauwi. Ngunit napapikit na lamang ito dahil sa inis nang makitang basa rin ang cellphone niya, at hindi mabuksan.

Napaupo na lamang si Liri dahil sa sobrang pagkairita. Pakiramdam niya ay napakamalas niya ngayong araw na ito.

Umupo ito sa sementadong sahig at sinandal nito ang kaniyang likod sa malaki at mataas na kulay kayumangging pinto ng museo. Dalawang piraso ng pinto na pinagsama na animo’y isang gate.

Niyakap nya na lamang ang kaniyang bag at walang buhay na hinintay na tumila ang ulan kahit na sa palagay niya ay hindi na ito titila pa ngayong gabi.

Malayo pa ang bahay ni Liri kaya’t imposible kung lalakarin niya ito. Halos lahat ng mga pampasaherong sasakyan na dumaraan ay puno narin dahil sa mga taong dagsa dagsang nag-aagawan dito dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Napatulala na lamang si Liri sa kawalan habang patuloy na lumalabas sa utak niya nang paulit ulit ang mga nakita niya kani-kanina lang.

Isang butil ng luha ang nalaglag mula sa kaniyang mga mata na agad niya rin namang pinunasan.

Yakap yakap ang kaniyang school backpack ay napahinga nalang ito nang malalim at pilit na kinakalimutan ang lahat na nasagip ng kaniyang mga mata.

Ngunit hindi niya mapigilang mag tanong sa sarili.

“Ganon ba ‘ko kahirap unawain?” Mahinang tanong nito habang pinipigilang maluha ang sarili. “Ang dali ko bang palitan?” Muling tanong pa nito.

At kahit anong pigil niya ng kaniyang mga luha ay walang magagawa sa wasak niyang puso ngayon.

Napaiyak na lamang si Liri, ngunit lahat ng hinagpis niya ay napalitan ng pagkagulat nang bigla itong mawalan ng balanse mula sa pagkakasandal ng likod niya sa malaking kayumangging pinto ng museo.

Biglang tumigil sa pagdaloy ang mga luha niya at napalingon sa kaniyang likuran. Nagulat ito nang mapagtantong bumukas ang pinto ng museo kaya’t dali dali siyang tumayo habang hawak hawak ang kaniyang bag sa kaniyang dibdib. Bahagya pa itong napaatras sa pag-aakalang baka may taong bumukas mula sa loob nito.

Napatingin si Liri sa loob ng museo sa pagitan ng nakabukas na pinto. Sarado na ang mga ilaw sa loob nito, at walang tao. Kaya’t siya’y nagtaka. Ngunit may kung anong tumulak sa kaniya upang pumasok sa loob nito.

Dahan dahang inihakbang ni Liri ang kaniyang mga paa hanggang sa tuluyan na itong nakapasok sa loob ng madilim na museo. Ngunit laking gulat nito nang biglang lumiwanag ang buong paligid, nagsi-andaran ang mga ilaw nito kasabay ng malakas na pagsara ng pinto.

Gulat na gulat ito at hindi niya maintindihan ang nangyayari.

Ngunit sa may kalayuan ay may nahagip itong isang libro na nasa loob ng isang glass na box na nakapatong sa isang maliit na mesa.

Hindi niya mawari kung bakit inihakbang niya ang kaniyang mga paa papunta sa direksyon na ‘yon.

Hanggang sa namalayan niya na lamang ang kaniyang sarili na tumigil sa harap ng librong ‘yon at napatitig dito.

Elehiya

Basa nito sa pamagat ng libro na nakasulat sa cover page nito.

‘Mga Salita Para sa Minamahal kong si L—

Naputol ang dugtong ng letrang L sa di malamang dahilan.

Iginala pa nito ang kaniyang mga mata at kaniyang nabasa ang pangalan ng may-akda nito.

1942
Libulan

ElehiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon