Kabanata 3

24 4 0
                                    

[Ang Ikatlong Kabanata]

1929. Munting Pagbabalik tanaw sa nakaraan.

"Halos labing apat na taon ka ring hindi naka balik ng La Herminia Soledares, kaibigan. Kamusta ka roon sa Bataan?"

Itinapik ni Don Julio ang balikat ng sundalong si Marcelo Policarpio habang hawak hawak ang isang baso na naglalaman ng isang mamahaling alak. Kasalukuyan sila ngayong nasa bahay ng sundalo at ipinagdidiriwang ang pagbabalik nito.

Napangiti si Marcelo dahil sa tanong na iyon ni Julio. "Ikinagagalak ko nga na doon ako na destino sapagkat kung hindi ay baka hindi kami nagkakilala ni Carmen." Biro nito.

Si Carmen ay ang kaniyang minamahal na asawa na kaniyang nakilala sa Bataan noong siya ay madestino rito, matapos ang dalawang taon nilang pagsasama ay nagkaroon sila ng isang sanggol na ipinanangak matapos silang ikasal.

Mahina namang natawa si Don Julio at inakbayan ang kaibigang sundalo. "Naaalala ko noong una kang umalis dito sa ating bayan, ikaw ay tunay na binata pa noong mga panahong 'yon. Ngunit ngayon ay tignan mo, labing dalawang taong gulang na ang unico hijo mo." Sagot ng Don sabay inom ng alak sa kaniyang baso.

"That's right, Julio." Pag sang-ayon naman ng isa pa nilang kaibigang sundalong amerikano na siyang kabaro ni Marcelo. Nakakaintindi ito ng tagalog kaya't hindi sila nahihirapang makipag komunikasyon dito.

Alas siete na ng gabi ngunit buhay na buhay pa ang bahay ni Marcelo dahil sa mga bisita niya na siyang mga kaibigan niya rito sa Sitio San Gabriel na ilang taon nya ring hindi nakita at nakakausap. Ang pagdiriwang na ito ay para sa kaniyang pagbabalik at sa kaniyang pamilya na ngayon ay masaya ring nakikipag halubilo sa mga tao.

Si Carmen, na siyang asawa ni Marcelo ay abala sa pakikipag-usap at tawanan sa iba pa nilang mga bisita. Isa na rito si Anastasia na siyang asawa ni Don Julio. Panay ang tawanan ng dalawa dahil ikinukwento ni Anastasia ang mga karanasan di umano ng kaniyang asawa kasama si Marcelo noong sila ay naririto pa sa La Herminia.

Habang ang anak namang lalaki ni Carmen at Marcelo ay kasalukuyan ngayong naglilibot sa kanilang buong tahanan. Kinakain ito ng kaniyang sariling kuryusidad sapagkat ito ang kaniyang unang beses na mapunta sa bayang ito na siyang bayang sinilangan ng kaniyang ama.

Maingay ang kanilang buong tahanan dahil sa mga tao kaya't napag-isipan nitong umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay upang ito ay libutin. Habang siya ay naglalakad ay may nadaanan itong bintana, kaniyang naisip na dumungaw rito at kaniyang nakita ang isang maganda at malawak na hardin, ito ang likurang bahagi ng kanilang tahanan.

Inilibot nito ang kaniyang mga mata sa tanawing nakikita niya at awtomatikong natigil ito nang mahagip niya ang isang batang babaeng nakaupo sa damuhan at nakatalikod mula sa direksyon niya. Mag-isa lamang ito habang nakatingin sa malayo kaya't naisipan nitong bumaba at puntahan ito.

Nang tuluyan siyang makalapit sa batang babae ay narinig niya ang mahinang paghikbi nito.

"Umiiyak ka ba?" Tanong niya.

Agad na napalingon sa kaniya ang batang babae at nagulat pa ito nang makitang nakatingin ito sa kaniya. Agad itong tumayo mula sa pagkakaupo at pinunasan ang mga luha niya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong pa ng batang lalaking ito.

Hindi sumagot ang batang babae, sa halip ay iniwas nito ang kaniyang tingin at tumingin sa malayo. "Hindi ko nais na mag kuwento sa hindi ko kakilala." Sagot nito sa tono na animo'y ipinararating niya na hindi niya ito mapagkakatiwalaan.

ElehiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon