Prologue

21 1 0
                                    

Prologue

“Yara! Bilis we’re gonna be late!” hindi pa ako tapos maligo pero parang gusto ko nalang lumabas dito sa bathroom kahit marami pang bubbles ang katawan ko.

“It’s still 7 in the morning, Aela. My gosh!” I shouted back while stepping under the shower.

“7 AM nga pero lagpas isang oras ang pagbibihis at pagme-make up mo!”

Oh my gosh. Akala mo naman hindi rin nagme-make up. Is it my fault ba kung gusto ko lang talaga na naka-full glam kapag papasok sa school? Duh? After a while ay lumabas na rin ako ng bathroom. Naabutan ko siya’ng naglalagay ng lip gloss. Dumiretso ako sa closet para magbihis.

Aela and I are living together since our first year in college. Hindi ganoon kalayo ang mga bahay namin sa university na pinapasukan namin pero nagpumilit talaga kami na mag-apartment kasi ayoko na sa bahay namin. Ganoon din si Aela kaya here we are, living together for two years and enjoying our freedom to the fullest.

I pulled off a mom jeans paired with a black crochet halter top under my white coat. I scanned through my shoe rack and decided to wear my jack off all trades high-heeled boots version. It’s our wash day today so we are allowed not to wear our uniform.

Lumabas agad ako bago pa ulit masigawan ni Aelani. I started doing my everyday make-up look. Medyo binilisan ko pa kasi baka ma-late kami. 8:30 pa naman ang unang subject ng klase naming dalawa ngayong umaga.

“Let’s go. It’s already 8 na.”

From the mirror, I saw her standing up and picking up her things. She’s already on her white uniform which makes her look like an angel. She’s a future nurse so she can really be compared to an angel. Very opposite of her habits. Like, nurse ka pero batak uminom at manigarilyo? Sino kayo riyan?

“Nagsusuklay pa ako,” reklamo ko dahil hindi pa ako tapos magsuklay sa abot bewang sa haba kong buhok.

“Your hair looks healthy kahit wala kang suklay. Come on, Yara.”

I sighed before standing up. Dumiretso na ako sa labas ng room namin dahil nasa kanya naman na ang mga gamit ko. We are occupying the same room dahil ‘yong isang room dito na siya sana ang gagamit ay ginawa naming walk-in-closet.

Pagdating sa labas ay dumiretso na ako sa sasakyan niya. Aela’s father lent her his old car kaya eto at ginagamit namin ngayon. I asked my parents for a car too, pero hindi ako bibilhan ni Daddy hangga’t hindi ako sa bahay umuuwi. Pero ayoko na roon, mas mabuti pa na magcommute nalang everyday. May sasakyan naman si Aela kaya ayos lang.

I watched her as she put all our things in the backseat. While on the way, I played a random song for us to listen. Hindi naman gaanong malayo ang university sa apartment namin. Siguro kaya ang 10 minutes kapag paliparin ni Aela ang sasakyan. Mabilis siya magpatakbo ng sasakyan kaya walang problema kapag kapos kami sa oras.

Nang makarating sa school ay halos takbuhin namin ang building ng kanya-kanyang department. I’m glad I was just on time. Kasi ilang minuto pagkapasok ko ay saka lang din pumasok sa room ang professor namin.

Ah, I’m still lucky.

“Hey, pumayag na sila Mama na bumukod ako!” Jaya, my other friend, whispered beside me.

I covered my mouth para hindi kita habang nagsasalita ako. “Really? So, when are you going to move out?”

Wala kasing nagre-rent sa house na katabi ng bahay namin ni Aela. Same structure and good for 2 people lang din ang bahay na iyon katulad ng amin. Our apartment is actually not that big. Dalawa lang ang rooms at dalawang comfort room. Iyong isa sa malapit sa kitchen, at iyong isa na nasa room namin ni Aela na may kasamang bathroom.

Whispers of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon