Chapter 2
After eating, umalis na ako agad doon. I just simply excused myself and told them that I have a class because I cannot carry the atmosphere na. I mean, akala ko magpapansin ako sa kanya tapos ngayong effortless na because accidentally ko siyang nakita sa cafeteria, saka naman ako naduwag.
Aaaaah, should I add her on her facebook account na ba? Pero nakakahiya naman because she might think I’m interested with her. Kahit totoo naman. Maybe after a week nalang?
I sighed. Okay, I’ll just frequently watch their performance so that when I add her on her facebook account na, she won’t get shock because she will think that I added her kasi we have a lot of common friends. Aaaah I’m so brilliant!
Kaya naman pagkauwi ay tinanong ko agad si Nash kung kailan ulit magpeperform ang banda nila Ryle.
“Bakit? Manonood ka?” siya sa kabilang linya. Naka-vc kami ngayon kaya kitang-kita kong nasa kusina siya at kasalukuyang kumakain habang nakaharap sa laptop niya.
“Yes! I was actually thinking na magpapansin sa kanya to catch her attention but surprisingly—” I trailed off and giggled.
“Bwesit ano?” naiinip ang tono ng boses niya kaya humalakhak ako.
“Nasa cafeteria sila kanina and we shared the same table kasama ang pinsan mo! My gosh maybe I should treat your cousin no? She was an angel in disguise! Nakausap ko pa saglit ang future gf ko!”
“Wow future gf. Nasobrahan ka na sa pagiging assuming, te,” umirap siya sabay subo ng salad na kinakain.
“Tse!” inirapan ko siya.
Umayos ako sa pagkakasandal sa sofa. Pagkauwi ay nagbihis agad ako at naglagay ng face mask. Pagkatapos ay tinawagan si Nash para lang makipag-chika. Mamaya na yung assignments ko.
“So anoooo? Kailan sila next magpeperform sa The Shade?”
“Magpeperform ulit sila roon?” nanlaki ang mga mata ng bakla.
“Oo. Tinanong siya ni Ria kanina and she said yes while looking straight into my eyes,” sabi ko bago sumigaw sa kilig.
Tinitigan lang ako ng kaibigan ko sa screen na parang nababaliw na ako. Totoo naman, ah?
“Hey, I’m telling the truth. Nakatingin talaga siya sa akin while saying yes!”
“Okay. Pero.... really?!” excited na ulit siya ngayon at alam ko kung bakit.
“Oo nga! Kaya bilis ask your friends kung kailan sila magperform ulit because I’m gonna watch!”
“Alright!” aniya at kinalikot na ang phone.
While waiting for her update, nagscroll nalang ako sa timeline ng mga socmed accounts ni Ryle. Hinanap ko yung account nung Ara.
And gotcha!
Mabilis makita because nakacomment siya sa lahat ng posts na nasa timeline ni Ryle. Hindi gaanong mahilig magpost ang babae at kapag meron man ay naka off naman ang comsec, kaya roon sa mga tagged posts mostly ang comments ni Ara.
I clicked her name and it led me to her facebook profile. Naka professional mode ang account niya and she has five thousand followers. Okay, quite known, huh? Yung akin walang followers dahil naka-private ang account ko. Sa Instagram talaga ako nagpopost kaya nandoon mga followers ko.
“Oo raw, baks,” biglang nagsalita si Nash.
Tumingin ako sa screen ng laptop ko. “Monday, Friday, and Saturday sila sa The Shade,” Nash muttered while grinning from ear to ear.
BINABASA MO ANG
Whispers of the Wind
RomanceLoving her is like confessing while a loud music is on play. Seen but cannot be heard. While she's on stage listening to the crowd's loud cheers, I'm here at the corner waiting for her to hear my whispers. The loud beating of my heart never came in...