III.

13 0 0
                                    

Chapter 3

Hindi nagtagal ay dumating na si Aela.

“It’s time to pop the champagne!”

Nagtawanan kami. I popped the champagne perfectly then shove it near Jaya’s face.

“What the fuck bitch?!” react niya nang mabasa ang mukha pero natatawa naman.

We clinked our glasses for a toast. “Cheers to my freedom!” humalakhak si Jaya.

“Cheers for this bitch’s official hoe phase!” I said loudly. Tawang-tawa tuloy ang dalawa.Sabay kaming tatlo na uminom. Pagkatapos ay pumwesto na sa harapan ng malaking TV.

“Start the movie na please,” si Aela, kaya naman ay umupo na kami sa carpet para manood.

“Horror amputa. Scifi nalang please.”

“Shut up, scaredy cat,” asar ko kay Aela na nagrereklamo.

She rolled her eyes at me and grab one slice of pizza. Maya’t-maya ay nagrereklamo siya, lalo na kapag may nakakatakot na lumabas. Takot din naman ako pero hindi naman ako nagrereklamo. Si Jaya ay immune yata sa mga nakakatakot kaya kahit halos tadyakan ko na siya sa takot ay parang wala lang sa kanya ang palabas. Ako kasi ang nasa gitna nilang dalawa.

“Palibhasa palaging takot maiwan kaya sanay na sanay ka na sa mga nakakatakot!” biro ko kay Jaya nang matapos ang pinanood na movie.

Ngayon ay nakikinig nalang kami ng music.

Inirapan ako ng babae. “At least hindi takot malamangan.”

Natawa ako. I was about to speak when a loud tune of an electric guitar was heard.

“It’s our neighbor again,” I muttered.

Kahit kailan hindi ko pa nakita ang kasama nung matanda na nakatira diyan. Sabagay, hindi pa naman sila matagal na nakatira rito.

“May neighbor kayo na guitarist? Akala ko ay matanda ang nakatira riyan?”

“Kasama niya. Baka apo,” si Aela ang sumagot.

“Ooh,” Jaya now has this mischievous smile on her face. “Babae? O lalaki?”

Umiling ako saka umirap. “Hindi naman ako interesado.”

“Kahit naman hindi ka interesado ay puwede mo naman malaman kung babae ba or lalaki ang kapitbahay niyo!”

“E, sa hindi ko pa nga nakita eh!”

“Baka mag-away pa kayo niyan,” Aela interfered.

“Hindi naman kami nag-aaway,” ngumisi si Jaya.

Sumalampak ako sa sofa. I told Jaya to increase the volume of the speaker. Nasasapawan kasi ang music sa tugtog ng kapitbahay namin. I sighed and raised my hands while my mind is busy thinking about my crushie lovey dovie. “How do I get the girl?”

“Landiin mo teh,” humalakhak si Jaya. “Kung magpapalandi,” dugtong niya.

I just rolled my eyes. “Paabot ng phone please,” utos ko kay Aela. She handed me my phone kaya tumagilid ako sa pagkakahiga.

I scrolled on my facebook wall. I click on my search bar at bumungad ang name ni Ryle. I clicked her profile and it led me to her timeline. No new post, just a new facebook story. Nakikita ko because nakapublic. I clicked the blue icon of her profile. Her facebook story is a picture of the sky kanina.

I sighed and contemplated whether to click the add button or not. In the end, my emotions overpowered my rationality.

I clicked the add button and closed my eyes after. Pagkatapos ay tinapon ko ang phone sa paanan ko.

Whispers of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon