IV

8 0 0
                                    

Chapter 4

Yara Gadaza

We arrived at the club just in time. Our friends already prepared a seat for us kaya hindi na kami nahirapan lalo na at andaming tao ngayon. Mas dumarami ata ang mga andito kumpara sa mga lumipas na biyernes. Siguro... simula nung tumutugtog na rito ang banda nila Ryle.

"Himala muntik na kayong ma-late," bungad ni Nash nang makaupo na kami.

"Medyo natagalang umuwi si Aela eh," sagot ko sabay irap.

Aela pinched my left arm. "Nag retdem pa ako kanina after sa hospital! Natalsikan ako ng dugo kanina sa hospital at hindi na nakapagbihis dahil kapos na sa oras. Anong gusto mo, maligo ako ng sampung minuto lang?!" inirapan niya ako.

Ngumisi lang ako at hinalikan siya sa pisngi. Inignora niya iyon at inilibot lang ang paningin sa loob. Ilang sandali pa ay umakyat na sa stage ang magpeperform. Halos tumayo pa si Nash sa upuan niya kakapalakpak.

"Hello, The Shade. Good evening!" pumaibabaw ang boses ng main vocalist ng banda..

Nagsigawan ang mga tao. I grinned as my eyes immediately drifted towards the girl at the back holding her electric guitar. She looks immaculately attractive with her usual black fits.

"Good evening, baby!" si Nash sa tabi ko. Halos lumabas na ang litid sa pagsigaw.

Natatawa nalang talaga ako sa gagang 'to.

"Were you waiting for us?" tanong ng vocalist.

Everybody said yes. My eyes shifted towards Ryle's direction. Abala siya sa pagkalikot sa hawak na guitar. Nang mag-angat ng paningin ay hindi sinasadyang nagpang abot ang mga mata namin. Muntik na akong mapaupo dahil sa gulat. Andaming tao dito, eh. I didn't expect that!

I saw her lips formed into a devilish smirk before she shifted her gaze towards the other side of the crowd. Ano yon?! Huh, ano yon? Bakit nakita agad ako? Siguro totoo nga talaga yung in the midst of the crowd I don't see nobody but you. 

Ngumisi ako. Mas ginanahan tuloy akong makisabay sa crowd dahil sa ginawa niya. Birit na birit akong nakisabay sa mga kinanta nila. Kaya naman naman nang matapos ang performance ay halos hindi na ako nagsalita dahil pakiramdam ko paos na ako.

"Puntahan natin sila sa backstage! Dali!" si Nash at kahit hindi pa man ako nakapagsalita ay hinila na ako. Nahirapan pa kaming maglakad dahil maraming tao sa dinaraanan namin. Sinenyasan ko nalang si Jaya dahil si Aela ay bigla lang nawala sa tabi namin.

Pagkarating ng backstage ay maraming nakalinya. Sumuot talaga kami sa mga nakaharang. May ilan pang nagreklamo dahil mas nauna sila sa linya. Nang tuluyan ng makarating sa loob ay nakita agad namin ang buong miyembro ng banda kasama ng mga nagpapapicture. Agad na nilapitan ni Nash ang mga kaibigang naroon. Kinausap niya sila ng ilang sandali hanggang sa nakita ko nalang siyang katabi na ang vocalist ng banda at nagpipicture!

Ako tuloy ang nahiya sa kanya. Yung mga kasunod sana ay hindi tuloy nakalapit dahil sumuot siya. Yung ibang kakilala ko na naroon ay lumapit sa akin.

"Yara! It's nice to see you here! You want to take a picture with them too? Ako na mag picture!" volunteer ng isa.

Nginitian ko muna sila. Gusto kong tumanggi dahil may nakapila at mas nauna ang mga 'yon kaso hinila na nila ako papalapit sa buong banda. Nakakahiya rin namang tumanggi dahil napatingin silang lahat nang makalapit ako. Tapos nang mag-papicture si Nash kaya hinila niya ako para pumalit sa pwesto niya.

"Two pictures with everyone tapos dalawang pictures din with your guitarist," humagikhik ang bakla habang nakatingin sa akin. 

Bilib din ako sa kakapalan ng mukha neto, e.

Whispers of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon