Sa pagpatak ng ulan,
Luha ko din ay s'yang nagsilabasan,
Nakita kitang nakikipag halikan,
Na pakiramdam mo ay s'ya na ang nakalaan,
Sa buhay mo sa kasalukuyan.Pero paano naman ako mahal ko?,
Paano naman ang pinangako mong "tayu",
Na tayu hanggang dulo,
Lahat ba iyon ay tuluyan ng mapapako.Inaangkin mo s'ya habang may roong tayu,
Dimo man lang napapansing nasasaktan din ako.Ngunit ano ngaba ang magagawa ko,
Kung sakanya'y ikumpara lagi akong talo,
S'yay napakaperpekto, habang ako ang kabaliktaran ng kanyang pagkatao,
Napakasakit tingnan na saaking harap ako'y iyong pinagtataksilan.Nakikita ko sa iyong mga mata ang totoong saya,
Habang ako'y narito lumuluha dahil lamang sa pag-ibig na akala ko ay nakalaan para sa ating dalawa.Ang sakit naman ng iyong pinapadama,
Ngunit pipilitin ko paring maging masaya,
Upang ika'y di na mabahala saaking nadarama,
Ngunit isa lamang ang aking ipapanalangin,
Na sa susunod nating buhay,
Ay ako naman ang iyong paglalaanan ng iyong buhay.Sa huling pagpatak ng ulan mahal ako nay lilisan,
Sana ay maging masaya ka sa piling n'ya.