"Ina"

15 1 0
                                    

Isa syang ulirang ina,
Sa anak nya ay s'yang nag-aalaga,
Walang ibang iniisip kundi kapakanan,
At kalusugan mo ang kanyang kahinaan.

Ang mga anak nya ang kanyang insperasyon,
Para sa buhay ay makaahon.

Isa siyang taga-pagligtas,
Sa mga anak nya ay s'ya ang punong pantas.

Bawat gabi sinasabe nya sa kanyang supling na,
"Bawat tingin ko sa iyong maamong mukha,
Nahihirapan akong makita,
Na-ikay walang masisilayang ama".

Alam kung ang mga bagay na ito ay mahirap,
Para sa ating dalawa,
Pero alam kung lahat ng ito,
Ay malalagpasan nating pareho.

Hindi ibig sabihin na mahirap ito,
Ay basta nalang tayu susuko.
Palagi mong tatandaan na,
Mahal na mahal kita.

Tulang mapapa-ibig ka Where stories live. Discover now