Chapter 5

33 1 1
                                    

KAWAY KAWAY! Hihi, play the song sa gilid, ewan ko, para feel niyo yung chapter at si Jenna, hihihi.

Enjoy reading!:) Play niyo na agad agad XD

--

Hindi ko alam kung anong oras na :’(

Nandito pa din ako sa landing ng stairs.

Haaaay. Ano nang gagawin ko?!

Iniwan ko pa kasi yung bag ko sa room! Andoon lahat lahat. Cellphone ko, wallet ko, pager ko. Oo may pager kami ni Clyde. Pero useless siya this time! Kung bakit kasi ngayon pa! :’(

Hindi naman ako p’wedeng magpaiwan na lang dito.

Hindi ako p’wedeng ganito. No way.

Moreover, I have to save someone’s life.

Mabait si Sir Gaugh, I don’t think there’s a reason para patayin siya ng nilalang na ‘yun. Nakakainis talaga siya! Bakit nagagawa niya yung mga ganung klase ng bagay?! Hindi naman siya Diyos para humawak ng buhay ng isang tao! Uggh. Sinusumpa ko talaga siya!

Sana lang talaga umabot pa ako. Mukhang malabo na, pero there’s no harm in trying.

Kumuha ako ng support sa railings ng stairs. Step 1, ayos, nakatayo ako. Next thing is, I have to walk. Kahit masakit. I have to.

I have to do this.

Hakbang.

Hakbang.

Baba ng hagdan.

Unti-unti, kahit masakit talaga, nakakaya ko. Go Jenna! Kaya mo yan!

Isa na lang problema ko, paano kapag... wala na tong mga railings na to?

Wala na akong kakapitan.

Wala ng support.

Kaya tinesting kong bumitaw. Unti-unti. Binabalanse ko ang sarili ko. Kaya ko naman. Lumakad ako at.. nagawa ko!

YES!

YES!

Tiniis ko ang sobrang sakit kaya naman nakalakad din ako ng medyo mabilis. Pumunta agad ako sa bulletin board kung saan may listahan ng sched ng mga prof. Yeah, may ganun sa school namin.

Mr. Gaugh, nasa’n ka na ba ngayon?!

Please mag-ingat ka Sir, please.

I saw the schedule of classes ni Sir Gaugh. Sir Gaugh’s last class is hanggang 6:30 pa! Anong oras na ba? Baka maabutan ko pa siya! Building J, room  211. GOT IT!

Tiis lang Jenna, tiis.

Pagkadating ko sa 211, wala na si Sir Gaugh, nakita ko sa university clock na quarter to 7 pa lang. Just imagine kung gaano ako katagal nakalupagi sa landing ng stairs kanina. Kung mas maaga ko pa sanang ginawa ‘to. SANA UMABOT PA AKO! Tinry ko pumunta sa faculty. Pagpunta ko dun, nandun pa si Mrs. Lee, tinanong ko sakanya kung nasan na si Sir Gaugh, ang sabi niya kakaalis lang daw.

I’m losing hope :’(

Next na pinuntahan ko, parking lot.

“MR. GAUGH! SIR JOSHUA GAUGH! NASA’N NA PO KAYO?!”

“MR. GAAAUUGHH!!”

Isa kasi sa mga naging favourite professor ko si Sir Gaugh, kaya naman naluluha na ako. Naiiyak na ko, isipin ko palang na may mangyayaring masama sakanya ngayong gabi at wala akong magawa. Alam kong may mangyayari pero… wala akong magawa.

Ito na rin siguro ang isa sa mga pinakamasakit na mangyayari o nangyayari sa buhay ng isang tao, yun bang, alam mo na, pero wala ka na lang talagang magawa. Gustuhin mo mang may gawin, panahon na yung may ayaw.

Sumigaw pa ako ng sumigaw. Yung sigaw ko may halo ng iyak.

Pero walang sumasagot :’(

Hindi ko masabi sa iba dahil sa panic at, hindi ko alam kung paniniwalaan nila ako :l

Para na akong pulubing naglalakad, ang bagal at iika-ika na ang lakad ko, dahil sobrang sakit na ng paa ko.

*Thunder rumbling*

Kapag talaga namang tinamaan ka ng kamalasan.

Uulan pa ata.

At ang saya diba! Umulan na nga! </3

Pero wala na akong pakielam. Naglakad lang ako ng naglakad habang umiiyak. Sobrang sakit naman ng ganito! Wala na akong mahingian ng tulong, wala si Clyde.

Wala si Beatrice.

Wala kahit na sino.

Ako lang.

Mag-isa lang ako with my twisted and aching ankle.

Bwiset na buhay ‘to.

:’(

Sobrang sakit ng nararamdaman ko, yung naisip ko si Sir Gaugh, hindi ko man lang natulungan. Tapos narealize ko pang, parang hindi manlang ako hinanap ng boyfriend ko o kahit ng bestfriend ko man lang. Ang sakit </3

Ang sakit sakit :’(

Iyak lang ako iyak habang naglalakad sa ulanan.

Wala na. Huling huli na siguro ako. Wala na talaga akong magagawa.

A—ang.. sakit .

Sorry Sir Gaugh.. sorry :’(

*And everything went black*

Best of Both WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon