Ang liwanag naman! Never ko namang iniwang bukas ang mga curtains dito sa condo! Kasi gusto ko madilim lang. Ugghhh. Silaw na silaw ako sa araw, kaya napagdesisyunan kong bumangon at isara ang mga kurtina.
Pagkasara ko ng kurtina, Nakaramdam ako bigla ng pagkahilo. Uggh. Sobrang sakit ng ulo ko! Hinawakan ko yung leeg ko.
Psh, confirmed. Nilalagnat ako.
Pumunta ako ng kusina para kumuha ng gamot sa cabinet. Habang naglalakad ako papuntang kitchen, parang bigla akong natauhan.
Paano ako nakauwi?!
Nilibot ko yung mga mata ko sa paligid, condo ko naman ‘to. Kaya lang, sinong.. anong..
Ang natatandaan ko lang, hinahanap ko si Sir Gaugh, at hindi ko siya mahanap tapos umulan tapos naglakad ako sa ulanan, tapos.. tapos..
Ugh hindi ko maalala! Lalong sumasakit ang ulo ko! Kung sino man ang naguwi sakin dito salamat na lang!
Tapos, pagkarating ko sa kitchen, kumuha na ako ng gamot sa cabinet, at syempre, tubig. Pagharap ko sa ref, may note:
Next time, don’t be so stupid.
Take care of yourself. I can’t stay any longer.
I cooked for you, so eat.
XX
Aba. Sabagay, ang stupid nga ng ginawa ko. Pero ano ba naman?! Walang pangalan! Like duuh. Hindi naman ako kamag-anak ni Madam Auring para hulaan kung sinong disipulo ang nagsulat nito.
Anyway, nakita ko ngang may lutong pagkain sa mesa. Tutal iinom na rin ako ng gamot, mas mabuti ngang kumain muna ako.
Uyy, in all fairness masarap yung pagkain! Luto kaya talaga ‘to o binili lang?! Hehehe <3
Pagkakain ko, uminom na ako ng gamot at bumalik sa kwarto. Pagkabalik ko sa kwarto, nun ko lang napansin na nandun na din pala lahat ng gamit ko na naiwan ko sa room. Hinanap ko kaagad yung cellphone ko.
15 missed calls.
36 messages received.
WTH!
Sa 15 missed calls, 8 kay Clyde, 7 kay Beatrice. Anak ng! Hindi ba nila napansin na naiwan ko ang bag ko?! At nandun ang cp ko?!
Sa 36 messages naman, puro GM lang.
Puro GM lang. Psh.
Tiningnan ko kung anong oras na, 10:30 am pa lang pala. P’wede pa akong pumasok.
At dahil mahalaga ang attendance, pinwersa ko ang sarili ko na pumasok sa school. Bahala na, nakainom na rin naman ako ng gamot eh.
Nagpahatid ako kay manong sa school. Ang sakit talaga ng ulo ko.
Nung malapit na ako sa school, saka ko lang naalala si Sir Gaugh. Napabuntong hininga na lang ako. Wala na eh. Nangyari na.
*Sa school
Nakita ko na yung isang teacher na umiiyak. Siguro alam na nila.
Naglalakad ako sa hallway, papuntang classroom at may narinig akong usapan.
Student1: Kawawa naman no, ang alam ko nga kasi, wala namang trabaho yung asawa niya, kaya pa’no nalang yung 2 anak nila?
Student2: Oh talaga? Oo nga noh, si Sir Gaugh lang pala may trabaho sa pamilya niya. Kawawa naman yung asawa niya pati mga anak :(
BINABASA MO ANG
Best of Both Worlds
Teen FictionJenna is a girl who lives her life the way she wants. But what if one day, magbago ang lahat? Will she go with the flow? Or stand against the current? Will she have enough guts para panindigan lahat ng desisyon niya? Read the story and find out!