Chapter 8

27 1 1
                                    

<Jenna’s POV>

Ugggh. May pasok na naman nga pala ko.

Pisti. Ayoko sanang bumalik sa school. Kasi..

Aish! >_> Bahala na.

May isang subject pa naman na magkatabi kami. Bahala na talaga.

Bumangon na ako at kumain naligo nagbihis lahat na. Nagready for school para maikli. Tss. Halata bang wala ako sa sarili ko? ‘Wag kayo maingay ah, kunwari okay lang ako. Aja Jenna!

Nagpahatid na ako kay manong papuntang school. Pagkadating ko dun, umarte ako na parang wala lang. Kaya ko ‘to. KAYA KO ‘TO!

Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng classroom. Phew ~

Pumasok na ako sa loob at umupo sa upuan ko. Kainis. Wala akong friends =____= Walang kausap. Loner ako simula ngayon. Sabagay, yun naman talaga ang gusto ko, yung mag-isa lang ako para walang istorbo. Natatandaan niyo ba? INDEPENDENT AKO. KAYA KO ANG SARILI KO. Tss.

Pero, tao rin naman ako. Syempre, sabi nga nila ‘no man is an island.’ Pero duh. AKO ATA SI JENNA, kayang kaya ko ‘to. Haller =______=

Maya-maya, magkatabi na kami ni Beatrice. Tsk, naiilang ako. Kasi gusting gusto ko siyang upakan. Siya naman halata mong naiilang din kasi alam niya na malaki ang kasalanan niya sakin. At hinding hindi ko siya mapapatawad. Grrrrr.

Nagtaas ako ng kamay.

“Excuse me sir, p’wede po bang magpalipat ako ng upuan? Anywhere but here.” Pagkasabi ko nun, nakita ko namang nanlaki yung mata ni Beatrice. Psh. Magsama kayo ni Clyde. MAGSAMA KAYO!

“Ms. Jenna Reyes, please give me a valid reason.”

“Uhm kasi po sir, malabo na po yung paningin ko, I can’t see your lectures clearly. Therefore I can’t write them and I can’t follow the discussion very well. Remember that I have a scholarship to take care of. Furthermore, I’m allergic to scrappies.” Tapos tumingin ako kay Beatrice. Nagsmug-face ako sakanya tapos tumingin ulit ako sa prof namin. Si sir naman nagbigay ng  parang okay-pero-I-thought-na-bestfriend-mo-si-Beatrice face. Napabuntong hininga na lang si Sir.

“Okay, you may exchange seats with Ms. Angcayab.”

“Thank you sir.”

Bago ako umalis ng upuan ko, tiningnan ko si Beatrice. Yung tingin na may halong galit lungkot at kabwisitan. Yung itsura niya naman parang naiiyak na. HAHAHA! Serves you right b*tch.

Mag-intay ka lang makakaganti rin ako sayong hinayupak ka. Mag-intay ka lang talaga. Hayup kang malandi ka. Sobrang kati mo! Bwisit.

Bell rings..

*

Natapos na yung klase, lunch na pala. Nagpunta muna ako sa canteen para bumili ng makakain tapos dinala ko dito sa roofdeck. Psh. Mas masaya dito. Presko, mahangin.

Mag-isa lang ako dito. Madalang magkaroon ng tao dito kasi mga takot yungmga estudyante na mahuli. Actually bawal kasi talaga tumambay dito. Ewan ko ba, pero everytime naman na nagpupunta ako, swertihan na lang na hindi ako nahuhuli. Haha, lucky Jenna.

Naisip ko na medyo malayo pa naman ang mga exams, pero sobrang stressed na stressed ako. Siguro pupunta na lang ako sa bistro mamaya para kumanta at magtrabaho. Ewan, stresstabs ko yun eh. Ang pagkanta.

Pagkatapos kong kainin yung sandwich na binili ko, humiga ako saglit at tiningnan yung sky. Phew ~ Nakakarelax.

Habang nakahiga ako, naisip ko na naman yung sila Beatrice. Hindi ko talaga alam kung bakit nagawa nila sa’kin yun. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko. kasi naman. Kasi, sobrang tight naming dalawa. I mean, para ngang p’wede na kaming “Beatrice and I against the world” eh. Kasi, close talaga kami. Click na click ang ugali, atsaka, close na din ako sa family niya. Siya naman kilala din ni mommy at daddy pero hindi ganun ka-close. Kasi kahit nga ako hindi close sa pamilya ko eh. Duh. Anyway, ayun nga, minsan nga natutulog siya sa condo ko, minsan ako natutulog sa bahay nila. Magkapatid na magkapatid na talaga yung turingan naming. Tapos biglang ganun? Tss! How pathetic.

Best of Both WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon