Chapter 8

34.5K 967 95
                                    

Ava POV

"YES mommy, nabili ko na yung pinabibili mo." Sabi ko kay mommy sa kabilang linya. Nakaipit ang cellphone ko sa aking balikat habang kumukuha ako ng sanitary napkin sa racks at nilalagay iyon sa basket.

"Pauwi na po ako.. okay. Bye mommy.." Binaba ko na ang cellphone at pinatay. Sinilid ko na yun sa sling bag ko.

Tiningnan ko sa basket ang mga pinagkukuha ko at tsinek kung kumpleto at walang kulang.

"Ah! Feminine wash nga pala."

Agad kong hinanap ang feminine wash at ng makita ay dinampot ko na ang pinaka malaking bote. Kumpleto na ang mga pinamili ko kaya pumunta na ako ng counter. Pero pagliko ko ay nabangga ko ang isang matangkad na lalaki. Nalaglag ang mga bitbit nya.

"I'm sorry I'm sorry!" Hinging paumanhin ko at agad na nilapag sa sahig ang hawak kong basket para damputin ang mga nalaglag na pinamili ng lalaki.

"It's ok." Anang baritonong boses ng lalaki na mabilis ng nadampot isa isa ang mga pinamili nyang nalaglag.

Dinampot ko na lang ang basket ko at nag angat ng tingin.

Umawang ang labi ko ng makita ang mukha ng lalaki. Bigla akong na-excite.

"I-Ikaw pala Ervin." Nauutal na sambit ko. Bigla akong nahiya.

Kumamot sya sa ulo at ngumiti. "I'm sorry kung nabangga kita Ava."

"N-No no no it's not your fault Ervin -- " Naputol saglit ang sasabihin ko at namilog ang aking mata. "Wait! You know me?"

"Yeah, you're Arabella Vania Montecillo." Cool na sabi nya.

Umawang ang labi ko at lalo akong na-excite at kinilig dahil binanggit nya ang buong pangalan ko. Kilala nga nya ako.

"Paanong.. Paano mo nalaman ang buong pangalan ko?" Manghang tanong ko.

Tumawa sya. "Sikat ka sa university natin. Walang di nakakakilala sayo."

"Really?" Parang di ako makapaniwala sa sinabi nya na sikat daw ako sa school namin.

"Yup! Noon ko pa gustong makipagkaibigan sayo, kaso lang.. nahihiya ako."

Napakagat labi ako sa kilig sa kanyang sinabi. Parehas lang pala kami.

"Bakit ka naman nahihiya? Mukha ba akong isnabera?"

"Kinda." Nakangising sabi nya.

Sumimangot naman ako na kanyang ikinatawa.

"I'm just kidding. Nahihiya akong lumapit sayo dahil ayokong isipin nila na nakikipagkaibigan lang ako sayo dahil sa estado mo sa buhay. You know.. you're a Montecillo. Kilala ang pamilya nyo. Eh sino ba naman ako, isang simpleng mamamayan lang."

"Ganun? Pero di naman ako namimili ng kaibigan. Hindi ako tumitingin sa estado ng buhay ng isang tao. Basta mabait at di plastik kakaibiganin ko." Nakangiting sabi ko.

Marami naman akong naging kaibigan sa college na mga kaibigan ko pa rin hanggang ngayon. Hindi nga lang ako nagkaroon ng boyfriend kahit may mga nagtangkang manligaw sa akin noon dahil ayaw ni Kuya Atlas. Mag tapos daw muna ako bago mag boyfriend. Pero sana ngayong magkaboyfriend na ako.

"So, can we be friends now?" Tila nahihiyang tanong pa ni Ervin.

"Syempre naman!" Masiglang sabi ko.

Gusto ko pa nga sanang sabihin na noon ko pa rin gustong makipag kaibigan sa kanya pero nahihiya lang din ako. Gusto ko ring sabihin na crush ko sya. Pero huwag na lang. Di nakakadalagang Filipina. Ngayong magiging magkaibigan na kami, may chance magkaka-ibigan din kami.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon