Chapter 19

34.1K 1K 288
                                    

Ava POV

"MANLILIGAW ni Ava si Ervin." Sambit ni mommy.

Mula sa matiim na tingin kay Ervin ay lumipad sa akin ang tingin ni Kuya Matias. Napalunok naman ako sa uri ng kanyang tingin sa akin na para bang may malaki akong kasalanan sa kanya. Napanguso na lang ako at tinaasan sya ng isang kilay.

Muling bumaling ang tingin ni Kuya Matias kay Ervin. Pero nanalim na ang kanyang tingin at umigting pa ang kanyang panga. Tila ba gusyo nyang pektusan si Ervin.

"Uh Ava, Tita.. Mauuna na po ako. Masyado na pong gabi." Kagyat na paalam naman ni Ervin sabay tayo. Bigla syang nagmukhang kabado.

Nagtaka naman ako at napatayo na rin. Parang agad agad naman syang aalis.

"Uuwi ka na agad?" Tanong ko.

Bumaling si Ervin sa akin at kumamot sa ulo. "Oo Ava, dalawang oras na rin ako dito. Ang usapan namin ng kuya mo isang oras lang di ba?"

Nanghaba ang nguso ko. "Pero wala naman si kuya dito. Kaya ayos lang na magtagal ka pa. Di nya malalaman." Ani ko sabay ngiti.

"Ah -- "

Malakas na tumikhim si Kuya Matias na para ba syang nasamid. Nilapitan pa sya ni mommy at tinanong kung ayos lang.

"Hindi ano.. uuwi na ako. Ayokong masira sa kuya mo.. syempre di ba?" Nakangiwing sabi ni Ervin. May kakaiba sa kilos nya. Para syang takot. Kanino? Kay Kuya Matias?

Napabuntong hininga na lang ako. "Ikaw ang bahala."

Ngumiti sya at bumaling kay mommy na may pagtataka din sa mukha."

"Tita, mauuna na po ako. Balik na lang po ako bukas."

"O sige iho, mag iingat ka sa byahe."

Kay Kuya Matias naman bumaling si Ervin. "S-Sir, mauuna na po ako. Excuse me po." Magalang na sabi ni Ervin at bahagyang nakayukong naglakad palabas ng bahay.

Ilang sandali namang namayani ang katahimikan sa aming malawak na sala. Si mommy ang unang bumasag ng katahimikan.

"Uh Matias, napadalaw ka?" Magiliw na wika ni mommy.

"I brought some food tita. Mga paborito ni Ava." Saad ni Kuya Matias na maaliwalas na ang bukas ng mukha.

Parehas umawang ang labi namin ni mommy.

Ako naman ay takang taka. Bakit bigla bigla dadalaw sya dito sa bahay namin ng ganitong oras tapos may mga dalang pagkain na puro mga paborito ko pa.

"Oh you're so thoughtful naman iho." Tuwang sabi ni mommy at kinuha ang mga dalang pagkain ni Kuya Matias at nilapit sa akin. "Para daw sayo anak." Ani mommy na ngiting makahulugan sa labi.

Kinuha ko naman ang mga pagkain na dala ni Kuya Matias. Para daw sa akin ito. Syempre di ko na ito tatanggihan. Masama ang tumanggi sa grasya, sasakit ang tiyan.

"Salamat Kuya Matias." Sabi ko at nilapag sa center table ang mga pagkain. Natakam pa nga ako ng maamoy ang pizza. Agad ko ng kinalas ang tali nito at binuksan ang isnag box.

"Maupo ka iho. Kuh! Ikaw naman Ava di mo man lang pinaupo ang Kuya Matias mo." Sermon sa akin ni mommy.

Nag angat ako ng tingin at tumingin kay Kuya Matias na nakatingin din pala sa akin. "Sorry naman. Sige mauna ka na Kuya Matias. Maraming salamat sa pagkain." Nakangiti ng sabi ko sa kanya at kumuha na ng isang slice ng pizza.

"You're welcome." Ani Kuya Matias at umupo na sa couch na kaharap ko.

"Ah Mat, nagdinner ka na ba?" Tanong ni mommy.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon