Matias POV
DALAWANG magkasunod na malakas na suntok ang tumama sa mukha ko. Nakaramdam na ako ng hilo bukod sa kirot na nararamdaman ko. May kalahating oras na nila akong ginugulpi habang pinipilit akong pirmahan ang isang dokumento na nagsasaad na nililipat ko na sa pangalan ni Uncle Elijah ang ilang ari arian ng aming pamilya. Pero kahit lumpuhin pa nila ako sa bugbog ay hindi nila ako mapipilit.
"Ano? Pipirma ka na ba o gusto mo pang taniman muna kita ng bala sa katawan." Banta ni Uncle Elijah.
Pero nginisihan ko lang sya.
Isa pa muling malakas na suntok ang tumama sa mukha ko. Hinawakan pa ng isang lalaki ang mukha ko at dalawang suntok pa ang binigay. Ramdam kong putok na putok na ang pisngi at labi ko. Ang mata ko ay pumipikit na rin dahil sa maga. Nalulunok ko na rin ang sarili kong dugo. Kung may sapat lang akong lakas kayang kaya ko silang labanan. Pero habang dumadaan ang oras ay lalong nanghihina ang katawan ko.
"Ang tigas mo talaga Matias. Pumirma ka na hangga't may natitira pa akong awa sayo baka buhayin pa kita!" Galit na sabi pa ni Uncle Elijah.
Mahina akong tumawa. "Kahit patayin mo pa ako uncle.. w-wala kang pirmang makukuha sa akin.. k-kahit tuldok."
Sa nanlalabo kong paningin ay naaninag ko ang lalong pangangalit ng mukha ni Uncle Elijah. Tinutok nya ang baril sa mukha.
"Tarantado ka. Gusto mo na ba talagang mamatay ngayon ha!?"
Ngumisi ako. "I-Iputok mo para lalo kang walang makuha."
"Gago!" Sigaw nya kasabay nun ang paghampas ng puluhan ng baril sa aking mukha. Muli ay nilamon na naman ako ng kadiliman.
.
.
Ava POV
PALAKAD lakad ako sa malawak na sala namin habang piga piga ko ang kamay. Patingin tingin din ako sa labas kung saan maraming security personnel ang nakabantay sa gate. Mahigpit na bilin ni Kuya Atlas na walang lalabas sa amin lalo na ako. Mukhang nakaramdam sya na may balak akong sumunod sa kanila.
"Mommy wala pa bang balita si kuya?" Baling ko kay mommy na nakaupo sa sofa.
"Wala pa anak."
Bagsak ang balikat na umupo ako sa sofa at sinabunutan ko ang buhok. Alas dose na ng hatinggabi. Si Jolene at Ivonna ay nasa guestroom room na dahil tulog na ang kanilang mga anak. Kailangan na rin nilang magpahinga. Ako naman ay di pa rin dalawin ng antok at ayoko ring matulog hangga't wala akong nakukuhang balita tungkol kay Matias. Si mommy naman ay di pa rin umaakyat sa kwarto nya. Sasamahan daw nya ako. Alam kong babantayin lang din nya ako para hindi ako tumakas.
Kaninang alas otso pa umalis si Kuya Atlas kasama sila Kuya Luigi. Sasama sila sa operasyon ng mga pulis sa pagsagip kay Matias. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring tawag kay Kuya Atlas. Sana ay tagumpay ang pagsagip nila kay Matias. Sana ayos lang si Matias.
Tumabi ng upo sa akin si mommy at hinimas himas ang balikat ko. "Anak, magpahinga ka kaya muna. Matulog ka muna."
Tumingin ako kay mommy. "Mommy kahit pilitin kong matulog di rin ako makakatulog hangga't wala akong balita kay Matias."
Bumuntong hininga si mommy at ngumiti. Hinaplos nya ang buhok ko. "Mahal mo talaga si Matias ano."
Malungkot akong ngumiti. "Hindi lang mahal mommy.. kundi mahal na mahal."
"Sinong mag aakala na magiging kayo. Samantalang noong maliit ka pa, sakit ka nya ng ulo. Lagi mo syang peniperwisyo."
Lalo akong napangiti ng maalala ang mga kalokohan ko noon kay Matias. Muntik na nga nya akong mapalo ng tsinelas sa pwet sa inis nya sa akin. Pero kahit inis sya sa akin noon kapag nanghihingi ako sa kanya ng pera lagi nya akong binibigyan kahit noong magdalaga na ako. Lagi din nya akong pinapautang pero sesermonan muna nya ako.
BINABASA MO ANG
DG Series #5: My Grumpy Kuya Matias
RomanceSa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paano ba naman sobrang strict ng kanyang Kuya Atlas lalo na noong nag aaral pa sya. Pero ngayong gradua...