Chapter 9

35K 959 102
                                    

Ava POV

"MOMMY alis na po ako." Paalam ko kay mommy na nasa lanai at nagpapapedicure at manicure sa manikurista nya. Syempre may kasamang chika. Si mommy pa, sosyalerang marites din sya.

"Huwag kang magpapagabi anak. Kundi ipapasundo kita sa isa sa nga tauhan natin." Malambing na bilin ni mommy. Kahit nga galit sya malambing pa rin sya. 

"Yes mommy, before six nandito na ako." Humalik na ako sa pisngi nya at ngitian ko naman ang manikurista nya na binati ako.

Ang paalam ko kay mommy ay pupunta lang ako sa bahay ng isang kaibigan. Pero ang totoo ay pupunta ako kay Kuya Matias para ilibre sya ng street food bilang peace offering. At syempre para makamusta na rin si Pochi. Mahigit isang linggo na akong di nakipagkita kay Kuya Matias. Siguro naman ay hindi na sya masyadong inis ngayon sa akin.

Sumakay ako sa kotse ko na bagong gawa  ang windshield. Mabuti na lang at di napapansin ni mommy at ni Kuya Atlas na bago ang windshield ko. Kunsabagay ang sabi ko doon sa gumawa na ang ipalit na windshield ay kagaya din ng nabasag na windshield. Binigay ko na kay Kuta Efren ang resibo at nagsend na sya ng 1500 sa jikash ko noong nakaraang last sunday. Sana nga ay tuloy tuloy.

Minaniobra ko na ang kotse sa driveway papuntang gate. Agad naman akong pinagbuksan ng mga tauhang nakatalaga doon. Pinausad ko naman ang kotse palabas ng gate.

Makalipas ang ilang minuto ay huminto ako sa harap ng isang malaking food stall na nagtitinda ng iba't ibang klaseng street food. Mag a-alas tres na ng hapon kaya marami ng bumibili lalo pa at linggo ngayon. Dito ako laging bumibili ng street food kapag nagki-crave akong kumain nun.

Bumaba na ako sa kotse at lumapit na sa stall..

Pagbukas ng gate ay sumalubong sa akin ang walang kangiti ngiting mukha ni Kuya Matias. Hinagod ko naman sya ng tingin mula ulo hanggang paa. Naka sandong puti sya na hakab ang kanyang bato batong katawan. Litaw din ang kanyang broad shoulder at naglalakihang mga braso. Malaki na ang katawan nya noon pa pero parang lumaki pa yata ngayon. Ang pang ibaba nya naman ay jogger na gray at naka gomang tsinelas lang sya na itim kaya kitang kita ko ang mahahaba nyang mga daliri doon at malinis nyang mga kuko.

"Eyes up Ava." Matigas ang boses na sabi nya.

Agad naman akong nag angat ng tingin. Salubong na ang kanyang kilay ngayon na parang di nagustuhan ang paghagod ko sa kanya ng tingin.

Umusli ang nguso ko. "Sungit! Parang binibistahan lang eh." Bubulong bulong ko.

"Huwag kang bumulong bulong dyan. Bakit ngayon ka lang?" Masungit na tanong nya.

"Eh kasi, hapon ang bukas nung food stall na binibilhan ko ng street food." Tinaas ko ang hawak na supot na may lamang street food at nanunuksong ngumiti. "Peace offering ko."

"Tss, pumasok ka na." Binuksan nya ng malaki ang gate at pumasok na ako. Nauna na syang naglakad at nakasunod naman ako sa kanya.

Namilog ang mata ko ng makita ko si Pochi na lumabas sa main door. Tumatahol sya at patakbong lumapit sa akin habang kumakawag ang buntot. Paglapit sa akin ay tumalon talon pa sya at umikot sabay higa. Halatang excited na nakita ako.

Binigay ko ang supot kay Kuta Matias at umiskwat ako para himasin si Pochi.

"Hi Pochi! Ang laki na ng pinagbago mo ah. Halatang hiyang na hiyang ka sa bago mong furdad. Ang puti puti mo na lalo o. Ang linis linis mo na rin at bumibilog ka. At may collar ka pa. Nakaahon ka na rin sa hirap. Sanaol." Kausap ko kay Pochi habang binibelly rub ko sya na gustong gusto naman nya.

Tumingin ako kay Matias para tanungin sya pero pumasok na sya sa loob ng bahay. Napanguso na lang ako at binuhat si Pochi. Mas nakakagigil na sya ngayon dahil may laman na sya at mabango pa. Mukhang nililiguan na sya ni Kuya Matias at binubusog ng pagkain.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon