Matias POV
IBINABA ko ang bintanang salamin ng sasakyan ng tumapat na ako sa boom barrier gate ng subdivision. Lumapit ang dalawang guard na nakatalaga at tatlong security personnel na kinuha ko mula sa isang security agency. Sa nangyaring ambushed sa akin kagabi ay kailangan kong magdoble ingat. Kaya dinoble ko rin ang security dito sa subdivision. Mahirap na ang masalisihan baka madamay pa ang ibang residente.
"Sir, dumating po ang mga kaibigan nyo. Pinapasok na po namin sila." Anang isang guard.
Tumango naman ako. "Alerto kayo."
"Yes sir." Sabay sabay nilang sambit.
Sumenyas ang isang guard sa kasamahan nyang nasa guard house at tumaas na ang boom barrier. Tinaas ko naman ang bintana at pinausad na ang sasakyan papasok ng subdivision.
Kaninang umaga paggising ko ay sunod sunod na tumawag ang nga kaibigan ko at nangamusta. Pinagmumura pa nila ako dahil hindi ko sila binalitaan sa nangyari kagabi. Nalaman na lang nila yun sa balita. Nakita sa cctv ang nangyari kagabi at nakuha ang plaka ng kotse ko. Ang bigbike naman ay nakumpiska ng mga pulis pero di na nakita ang rider na agad ng tumakas sakay ng taxi. Tinawagan ako ng pulisya kagabi para hingan ng statement. Ang abogado ko na lang ang pinaharap ko sa kanila ngayon.
Ang kotse ko naman na tadtad ng tama ng bala ay diniretso ko na kaagad kagabi sa auto service shop ng kaibigan ni Danon na si Pierre. Hindi ko yun pwedeng iuwi sa subdivision dahil baka maalarma ang mga residenteng makakakita. Mamaya ay babalikan ko yun. Sa ngayon ay ibang sasakyan ang gamit ko at bullet proof din ito.
Nilingon ko si Pochi na kumahol at tumayo. Sumilip sya sa labas ng bintana habang labas ang dila at kumakawag ang buntot. Malapit na ang bahay ko at excited na syang bumaba.
Galing kami sa vet clinic at pinacheck up sya. Maghapon syang di kumain kahapon at umiinom lang ng tubig sabi ng caretaker ko. Pero kaninang umaga ng bigyan ko sya ng pagkain ay kumain naman sya at naubos pa nga nya. Ang sabi ng vet nya ay maayos naman ang lagay nya at wala namang nakitang kakaiba sa mga test. Sa panahon daw kaya sya nananamlay dahil nagsisimula na ang tag init. Nag suggest naman ng parvo vaccine ang vet para proteksyon nya sa mga virus na pwedeng dumapo sa kanya. Pinalitan na rin ng vet nya ang kanyang vitamins at dog food. Ngayon ay bumalik na ang sigla at kulit nya.
Nakita ko na ang mga sasakyan ng mga kaibigan kong mga nakaparada sa labas ng bahay ko. Kumpleto sila at nakita ko rin ang sasakyan ni Danon. Bumukas ang automatic gate at pinasok ko ang sasakyan ko. Di na mapakali si Pochi na panay na ang ikot sa shotgun seat at gusto ng bumaba.
Pagpasok sa garahe ay pinatay ko na ang makina. Tinanggal ko ang seatbelt. Dinampot ko ang plastic bag na may lamang binili kong bagong vitamins ni Pochi at bago nyang dogfood. May natira pa sa dati nyang dogfood at isang sako pa iyon. Ido-donate ko na lang yun sa shelter ni Ava.
Binuksan ko ang pinto at bumaba na. Sumunod namang bumaba si Pochi na tumalon pa at halos gumulong paglapag ng mga paa sa semento. Para na kasi syang bola sa taba.
Nauna si Pochi na pumasok ng bahay at ng makita nyang maraming bisita ay pinagtatahulan nya ang mga ito. Walang imik at walang kangiti ngiti ang mga kaibigan kong nakatingin lang sa akin habang nakaipon sila sa living area. Sinaway ko si Pochi na magbehave at tumahimik naman sya bagama't nakasunod pa rin sa akin.
"Damn you pare, in-ambush ka pala kagabi hindi ka man lang nagsabi." Sita sa akin ni Lorenzo.
"Wala namang malalang nangyari sa akin kaya di ko na kayo in-istorbo. I'm safe and sound." Sabi ko at lumapit sa kanila. Nilapag ko sa center table ang supot at umupo sa single couch. Nakasunod ang mga mata nila sa akin.
BINABASA MO ANG
DG Series #5: My Grumpy Kuya Matias
RomanceSa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paano ba naman sobrang strict ng kanyang Kuya Atlas lalo na noong nag aaral pa sya. Pero ngayong gradua...