Ava POV
MABILIS akong bumaba ng sasakyan ng ihinto na ni Mang Lui ang sasakyan sa harapan ng maindoor. Malalaki ang hakbang na pumasok ako sa bahay. Sinalubong pa ako ni Pochi. Excited na akong makita ang baby namin ni Matias. Sabik na akong yakapin sya, amuy-amoyin at halik halikan. Eksaktong lumabas si mommy na mukhang galing sa kusina at may hawak syang feeding bottle na may takip na inaalog pa nya.
"O anak, nandito ka na pala."
Lumapit ako kay mommy at humalik sa pisngi nya. "Si Baby Maty mommy?"
"Nasa lanai, heto nga at tinimplahan ko ng gatas dahil nag iingit at gutom na. Mana sayo ang anak mo noong baby ka pa, parehas kayong malakas dumede."
"Pupuntahan ko sya." Akmang hahakbang ako papunta sa lanai ng pigilan ako ni mommy sa braso. "Bakit po mommy?"
"Galing kang shelter di ba? Magbihis ka muna at magsanitize bago lumapit sa anak mo. Mahirap na baka magkasakit sya."
Ngumuso ako. Oo nga pala. "Sige mommy, akyat muna ako sa kwarto para magbihis." Paalam ko kay mommy at umakyat na ng hagdan.
Galing ako sa animal shelter para bisitahin ang mga kasama ko roon at mga adopted namin. Ilang buwan din kasi akong di nakakapunta doon at puro video call lang. Kanina lang ako nakapunta ng payagan ako ni Matias. Pero hindi nya ako pinagdrive. Pinadala nya ang isa sa company driver nya na si Mang Lui.
Tatlong buwan na ang nakalipas ng manganak ako. Akala ko noon mamamatay na ako sa sakit dahil para talaga akong hinahati sa gitna. Hindi naman ako iniwan ni Matias hanggang sa delivery room. Pero worth it naman ang sakit ng lumabas na ang baby kong damulag. Three months old pa lang sya ngayon pero mukha ng isang taon dahil malaking bulas. Kanino pa ba magmamana eh di sa ama.
Ng makapagbihis na ako at makapagsanitize ay agad na akong bumaba para makita ang baby ko. Si Matias ay siguradong mga alas singko pa darating. Kapag namiss nya kami ay mas maaga pa ang uwi nya.
Pagpunta ko sa lanai ay naabutan ko si Baby Maty na nakahiga sa kanyang rocking chair habang dumedede. Sa tabi ng rocking chair ay nakahiga si Pochi. Naroon din si mommy at ang yaya ni Baby Maty.
"Kamusta naman ang baby ko na yan? Namiss mo ba ang mommy mong maganda? Namiss mo no. Si mommy din miss na miss ang baby." Pangba-baby talk ko kay Baby Maty na busy sa pagdede at nakatingin lang sa akin. Wala syang katinag tinag kahit pinupupog ko sya ng halik sa pisngi.
Mathaios Montecillo Santiago ang buo nyang pangalan. Si Matias ang nagbigay ng pangalan nya. Nag request pa nga si mommy na dagdagan pa daw namin ng pangalan pero tumanggi ako. Baka mahirapan lang magsulat si Baby Maty pag nag aral na sya dahil sa haba ng pangalan nya. Baka mamura pa nya ako.
"The wheels on the bus go round and round, round and round, round and round. The wheels on the bus go round and round, all through the town.. " Kanta ko kay Baby Maty pero no pansin pa rin nya ako. Nag iba naman ako ng kanta. Twinkle twinkle star naman ang kinanta ko pero dedma pa rin ang damulag. " 5 little monkey humpty dumpty.. mama called the doctor and the doctor said.. pagbilang kong tatlo nakatago na kayo i wanna be a tutubi a twinkle star.. haw haw de carabao de batuten meow.."
Kumunot na ang noo ni Baby Maty at naningkit ang matang tumingin sa akin. Tumigil din sya sa pagsupsop sa dede nya. Mukhang di nya nagustuhan ang kanta ko. Napatigil na lang ako sa pagkanta at ngumiwi.
Tumawa si mommy. "Ayaw nya ng kanta mo, anak."
Sumimangot ako. "Napapansin ko mommy, patagal ng patagal nagiging kaugali ni Baby Maty si Matias. Nakukuha nya ang pagiging nonchalant ni Matias."
"Eh malamang ama nya si Matias. Kanino pa ba magmamana yang anak mo. Kamukhang kamukha pa ni Matias o. Pati pagkunot ng noo at pagsimangot. Matias na Matias."
BINABASA MO ANG
DG Series #5: My Grumpy Kuya Matias
Roman d'amourSa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paano ba naman sobrang strict ng kanyang Kuya Atlas lalo na noong nag aaral pa sya. Pero ngayong gradua...