[33] Galawang Xander

4.3K 266 212
                                    

X A N D E R

"'Rang, paano ba umamin sa babaeng manhid?" tanong ko.

Kasalukuyan kaming nanunuod ng TV sa bahay. Wala na naman kasi si mama kaya pinapunta niya si 'Rang dito. Dapat si Ella kaso may lakad raw kasama yung lalaking palito.

"Aba aba... may napupusuan ka na Alex? Bago eto ah" natawa siya.

Pinigilan ko yung sarili kong mangiti na parang loko loko. Di niya alam na kapatid niya yung tinutukoy ko.

"Meron, kaklase ko" sagot ko naman sa kanya.

"Wow, naninibago talaga ako ha. Akala ko hindi na darating ang araw na ito" sabi pa niya. Natutuwa siya kasi lagi niya akong sinasabihan ng tips tungkol sa panliligaw pero di ko siya pinapansin kasi wala akong pakialam pa noon. Buti na lang at tulog si Ash, kung gising 'yun ay malamang sa nagsalita na siya na si Ella yung gusto ko.

"Di naman kasi ako malandi na katulad mo" sabi ko sa kanya at binatukan niya ako.

"Sino ba iyang nagugustuhan mong babae? Baka di maganda iyan ah. May picture ka?" tanong pa niya.

"Sikretong malupet" sagot ko.

"Aba loko eto ah! Para namang di ka kaibigan, picture lang naman eh! Mamaya kasi ang panget pala ng taste mo sa babae" reklamo niya.

Natatawa na talaga ako dahil sa usapan namin. "Maganda 'yun malamang... sa tingin mo magkakagusto ako sa panget? At 'Rang maglubay ka nga, may girlfriend ka na" sabi ko sa kanya.

"Tss... sinisigurado ko lang kung nagmana ka sa akin ng taste sa babae. Kita mo, lahat ng naging girlfriend ko puro magaganda" di ko na napigilan yung sarili ko at natawa na ako ng malakas. "Hoy Alex, niloloko mo ba ako? Pinaparating mo ba na wala akong taste sa babae?" tanong pa niya.

"Wala akong sinabi. Maganda naman yung girlfriend mo eh pero magkaiba tayo ng tipo ng babae" sagot ko naman.

"At bakit?" tinaasan pa niya ako ng kilay.

Eh kapatid mo 'yun.

"Basta sagutin mo na lang yung tanong ko" pag-iiba ko ng usapan. Baka sakalin ako ng lalaking ito kapag nalaman niyang may gusto ako sa kapatid niya eh. Baby na baby pa naman si Ella sa kanya.

"Paano bang manhid?" tanong niya ulit.

"Yun bang lahat ng hint at vlues at clues ay binigay ko na pero di pa rin makuha" paliwanag ko at ngayon ay siya naman ang tumawa.

"Torpe ka no?" nakangisi niyang tinanong.

"Ha? Hindi ah, sadyang ayoko lang na maging masyadong straightforward" depensa ko naman.

"Weh? Torpe ka lang Alex. Di no kayang sabihin ng derecho kasi naduduwag kang ma-reject. Kaya ang payo ko sayo, umamin ka na lang tapos ligawan mo" napangiti na lang ako.

"Sige, sabi mo" nagkibit balikat ako.

"Alex, pakilala mo sa akin kapag di ka rejected ah" tinapik niya yung balikat ko.

"Sure" nakangisi kong sagot.

"Wala man lang bang hint kung sino siya? Kahit description of looks lang" pangungulit niya ulit.

"No chance 'Rang, abangan mo na lang" sabi ko.

"Nako, ayaw mo lang ipakilala sa akin kasi baka mas magwapuhan pa sa akin" pang-iinis pa niya.

Napalakas tuloy ang tawa ko. "Gago malabo" sabi ko saka kami parehas na nagtawanan.

Magkapatid nga sila... parehas na slow.

BitterELLA : Move on na ba Talaga? (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon