[12] Affected

5.7K 294 67
                                    

X A N D E R

Ella Navarro is driving me crazy. Not the crazy you have in mind... literal. Pakiramdam ko ay malapit na akong masiraan ng bait ng dahil sa kanya. Tatlong buwan na kaming magkakilala, tatlong buwan na kaming magkaklase at tatlong buwan na rin siyang nagpapanggap na katulong ko.

Ewan ko ba sa babaeng yun, palagi yatang wala sa sarili. Una sa lahat, hindi pa siya over doon sa Liam na yun. Everytime na makakasalubong namin yung lalaking yun ay nagiging out of character si Ella. By out of character I mean nagiging mabait siya sa akin at magalang... which is weird by the way.

Tapos kapag nakalayo na si Liam at Hazel ay saka siya magmamaktol at bigla na lang iiyak. Magsasabi rin yan ng kung anu-ano saka niya ikukumpara yung sarili niya kay Hazel. Masyado siyang insecure. Tapos kapag sinubukan ko namang patahanin ay bigla namang magagalit sa akin. Minsan iniisip ko kung ako ba talaga yung amo sa amin eh.

"Xander... Eleven ba ngayon?" tanong niya sa akin. Nagbuntong-hininga ako, eto na naman tayo.

"Oo" sagot ko. Brace yourself Xander... ikatlong beses mo ng magde-deal sa sitwasyon na ito.

Parang zombie na naglalakad si Ella ngayon dito sa campus. Eleven kasi ang pinakaayaw niyang date sa isang month. Napadaan kami sa Freedom Wall ng campus at huminto si Ella sa tapat noon.

"Happy Monthsary to us Zel" walang emosyon na binasa ni Ella yung caption.

Every twelve kasi ang monthsary nung dalawang yun. Palagi rin na nagpo-post si Liam sa freedom wall ng pictures nilang dalawa bilang surprise niya kay Hazel. Hindi lang doon matatapos yung kakornihan niya, may harana pa yun o kaya naman kung anu-ano pang bagay na walang kwenta.

Of course wala akong pakialam sa mga couples na masyadong trying hard na paalam sa lahat ang pagmamahalan nila, pero kilala na yung dalawa bilang loveteam eh. Isa pa, kasama ko yata yung pinakaapektado sa loveteam na yun.

"Tara na Ella, walang magagawa yang pagiging emo mo" sabi ko sa kanya.

"Ano ba meron si Hazel na wala ako?" tanong niya. I sighed in disbelief, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ko paamuhin ang babaeng ito.

"Si Liam, kaya tara na nga lang" sabi ko saka ko siya niyaya na papunta sa classroom.

Hindi na ako nagulat ng makita kong nangingilid na yung luha niya. Affected nga naman siya tapos di rin nakatulong yung comment ko. "Sorry" sabi ko. "Pero pwede wag ka ng magpaapekto ng ganyan? Paano na lang kapag nakasalubong mo yung dalawang yun? Ano gagawin mo?" medyo kumalma naman siya dahil doon. Buti naman, napagkakamalan akong masamang tao kasi kapag umiiyak si Ella eh natitiyempo na ako lang ang kasama.

"Wala kang pakialam doon. At ano naman rin ang pake nila kung makita nila akong ganto? Wala naman, kaya mas okay kung maglandian na lang sila" Eto na nga ba sinasabi ko eh. Pinapatahan ko na nga, susungitan naman ako.

Minsan talaga gusto kong balikan yung time na nakita ko siyang natutulog sa loob ng cabinet ko habang yakap niya si Ashley. Sa sobrang tagal ko silang hinahanap ay nakatulugan na pala nila ako. Yung palagi kasing nakabusangot na mukha ni Ella ay nakita kong payapa for once. Ang amo ng mukha niya nung nakita ko siya noon, kaya naman hindi ko muna sila ginising ni Ashley at nagawa ko silang pagmasdan ng ilang minuto.

Ngayon back to reality... nakasimangot na naman siya sa akin at kulang na lang ay may lumabas na usok sa ilong at tenga niya.

"Sabi ka ng sabi na move-on ka na pero ikaw naman itong palaging nagkakaganyan. Kung di mo tanggap eh gumawa ka man lang ng paraan" sabi ko sa kanya.

BitterELLA : Move on na ba Talaga? (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon