[47] Isang Tanong

3.3K 196 62
                                    

E L L A

Kanina pa ako pabalik-balik sa kwarto ni Xander. Tinitingnan ko lang kung ayos na 'yung mga ginawa ko. Baka magalit pa si Xander sa akin sa sobrang dami nung papel na nakadikit sa pader niya.

Day 35, excited na ako. Uuwi ka na bukas! May pasalubong ka kaya?

Araw-araw ko na lang na tinatanong sa sarili ko kung okay lang ba siya, kahit na ba nakakausap ko siya ay 'di ko pa rin maiwasan na maya't-maya ay isipin siya. Iba pa rin 'yung feeling kapag kasama ko siya.

Geez Ella, you're such a trash for Xander.

Hindi lang naman ako ang nakakamiss kay Xander, si Milo miss na 'yun. Tapos 'yung buong pamilya ko pa, kasi naman nasanay rin sila na palaging nakikita 'yung family ni Xander. Kahit nga si yaya Hermie hinahanap hanap din si Xander, mahilig daw kasing makikain si Xander dito. Jusko, daig pa nila ako.

"Pansin ko lang na palagi kang nangtre-trespass kila Alex ha" sabi ni kuya.

"Kuya naman, may surprise naman kasi ako. Iba 'yung akin"

"Surprise pa na nalalaman, bakit kayo na ba?" Pang-iinis niya.

"Malapit na!" Sagot ko.

"Hoy anong malapit na?! Asa pa kayo" tingnan mo eto, mang-iinis tapos kapag nahiritan ganito naman ang magiging reaksyon.

"Ah basta... Doon din ang punta nito. Kapag pati 'yung kay Xander ay naudlot, wow na lang dahil ang malas talaga ng love life ko" natatawa ko pang sinabi.

Hindi naman siguro maiinip si Xander, 'di ba? Sandali pa lang naman siyang nanliligaw, e. Isa pa, okay kami sa kung nasaan kami ngayon.

Nung nakausap ko siya nung New Year, tinanong niya kung considered na daw ba na MU na kami pero hindi ako pumayag. Ayoko ng MU na iyan, ang daming meaning noon.

Mutual Understanding.

Malanding Usapan.

Magulong Usapan.

Mukhang Unggoy.

Madaling Umasa.

'Wag na 'yung ganun ganun. Baka lalo lang maging magulo ang lahat.

"Sasama ka ba na susundo kila Tita Rose?" Tanong ni kuya.

"Malamang" sagot ko. "Tayo lang ba ang susundo?"

"May duty kasi sina mommy at daddy kaya baka tayong dalawa lang at saka si manong Gilbert, kung gusto mo imbitahan mo 'yung mga kaibigan mo" sabi naman niya.

Umiling ako kaagad. 'Wag na lang. Knowing those people, malamang sa mas lalo lang kaming hindi magkaroon ni Xander ng oras sa isa't-isa. Sosolohin ko muna siya, saka na lang sila maki-join.

Ang selfish ko naman yata.

"Teka busangs, may mga kondisyon ako sa iyo para payagan kitang sumama sa akin bukas" napatingin ako kay kuya.

"Bakit naman may kondisyon pa? Anong kaartehan 'yun?" Tanong ko.

"Tandaan mo" tinuro niya ako. "Ako ang kasama mo bukas kaya wala kang karapatan na magreklamo sa akin"

"Anong kundisyon ba? 'Wag mo sabihin na no touch baka feeling lola Nidora ka lang" pinangunahan ko na siya kaya nabatukan ako bigla.

"Bawal ang airport drama. Baka unang kita mo pa lang kay Xander ay yakapin mo na kaagad" banta niya.

BitterELLA : Move on na ba Talaga? (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon