[54] Confrontation with Tess

3K 166 104
                                    

E L L A

Dinala ako ni Tess sa campus cafe nila. Hindi kami nag-uusap habang naglalakad kami papunta roon. Ramdam ko rin na nagvi-vibrate pa rin 'yung phone ko kaya pinatay ko na muna.

Ayokong dedmahin na muna si Xander kaso hindi na talaga ako mapakali.

Naupo kami sa dulong pwesto para wala gaanong tao tapos umorder si Tess para sa aming dalawa.

"Sorry kung small lang 'yung kinuha ko, 'yun lang afford ng budget ko, e" natatawa niyang sinabi.

"Kaya ko namang bayaran 'yun sa sarili ko" sabi ko sa kanya.

"Still, nag-effort ka na bumisita rito kaya kailangan kitang i-treat" sabi naman niya. "Ano ba pag-uusapan natin?"

Nananadya ba siya or sadyang hindi niya alam?

"Si Xander" sabi ko naman at mukhang nalinawan siya.

"Hindi nga raw siya pupunta ngayon, e. Bakit?" Tanong niya.

Dapat lang na hindi siya pumunta. Buong araw mo na siya halos kasama kahapon.

"Gara nga nung lalaki na 'yun, e. Sabi niya sa akin pupuntahan niya ako ngayon pero biglang nag-cancel, kaya ko naman daw siguro kasi ang sarili ko kahit ngayon lang" natawa siya.

Nainis naman ako dahil doon. Kay Tess nagawa niya na magpaalam pero kapag sa akin, wala man lang pasabi kung 'di niya ako masasamahan?

Hindi ko aakalain na maiinggit ako kay Tess nang sobra. Selos na selos na ako, e. Oo nagseselos ako kahit hindi kami ni Xander!

"Buti ka pa, halos wala na nga kaming time na magkasama, e" sabi ko habang pinadaan ko 'yung kuko ko sa pintura nung mesa.

"Oh? Sad naman... Hayaan mo na, babawi rin 'yun sa'yo" sabi niya.

Dumiin lang 'yung kuko hanggang sa luminya na 'yung kuko ko sa mesa.

"Sa akin kasi bumabawi siya kaagad, ang bait niya no?"

"Manahimik ka nga" sabi ko bigla.

Mukha namang nagulat si Tess sa sinabi ko. Nabigla ako pero naiinis na talaga ako. Hindi ko alam kung sadyang hindi lang talaga sanay makiramdam ang babaeng ito.

Natahimik kami ng sandali. Dumating na rin 'yung inorder ni Tess para sa amin.

"Okay ka lang Ella? Are you like... Galit sa akin?" Tanong niya.

Napairap na lang ako. Wala na akong pakialam kung lumalabas na ang sungit sungit ko na sa kanya, nakakainis naman na kasi talaga, e.

"May mali ba akong nagawa?" Tanong ni Tess. "Akala ko kailangan mo ng kausap kaya nandito ako, e"

Sunod na lang baka sabihin niya "Ganun kami sa shelter", madam Claudia lang ang peg. Para kasing nagpapaka-oblivious pa siya pero ang obvious naman na ng dahilan kung bakit ako naiinis.

"May mali ka ba na ginawa?" Tanong ko. "Wala, wala kang ginawang mali Tess" sarkastiko kong sinabi.

Napabuntong-hininga naman siya. "Thank goodness, akala ko galit ka sa akin"

"Tanga ka ba o sadyang manhid lang? Excuse me ha, hindi kita kakausapin kung wala akong problema sa iyo" naiinis kong sinabi.

Si Tess naman mukhang nalito lang lalo. "I don't get it, galit ka talaga sa akin? Ano ba ginawa ko?" Tanong niya.

Gosh, nakaka-highblood ang babaeng ito! Si Hazel noon, straightforward lang pero eto naman hindi ko alam kung painosente pa.

"Si Xander nga" sabi ko. "Ano ba ang meron kayo?" Tanong ko.

BitterELLA : Move on na ba Talaga? (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon