[48] Girlfriend

3.7K 182 60
                                    

E L L A

Parehas lang kami ni Xander na nakatingin kay kuya ngayon. "Oh ano? Magmo-moment kayo sa ulan tapos parehas naman pala kayong may mababang immune system? Ayan tuloy, parehas kayong may sakit" pangangaral niya.

"Achoo!" Sabay pa kami ni Xander. Nakakadalawa na kaming box ng tissue dito, oh. Hindi rin nakakatulong na may lagnat na ako.

"Dami pa kasing pauso, mag-aaway pa kayo pero ganun din naman pala ang bagsak niyo" reklamo ni kuya.

"At least nagkaayos naman kami 'Rang" nanlalatang sinabi ni Xander. Nasa kwarto kami ni Xander ngayon. Parehas kaming nakaupo sa kama niya at parehas din kaming balot na balot ng kumot.

"Sa tingin ko sinadya niyong mag-away para maglambingan lang sa huli, e" sabi ni kuya.

"Tanungin mo 'yang kapatid mo. Siya naunang nag-walkout" turo ni Xander sa akin.

"Ang init kasi ng ulo mo" reklamo ko.

"Jet lag lang 'yun" dahilan niya. "At ikaw itong mahirap amuhin"

Okay, fine. Ako lang naman ang sinundan niyang lumabas kaya maging siya ay nagpaulan na rin. Pero hindi ko naman siya diniktahan na sundan ako.

Hindi ko tuloy ma-classify man lang kung pwede na 'yung sweet moment o kung naging epic fail lang like usual.

"Pwede ba na maging tayo na?"

Sinabi ko na rin kila Troy na kapag tinanong ako ni Xander ay oo ang isasagot ko.

Si Xander naman mukhang alam na rin ang isasagot ko.

"Hoy kayong dalawa! Saka na kayo mag-LQ, hindi kami makalabas!" Nabulabog kami nang bumusina bigla itong kotse sa tapat namin.

"Sorry po" sabi ko saka ko hinila sa tabi si Xander.

"Hijo, 'wag mong gagalitin ang girlfriend mo" sabi nung lalaki bago sila umalis na.

Lakas makasira ng mood. Napatingin naman ako kay Xander. "Valid pa ba 'yung tanong mo?"

"Saka na lang, nasira na mood ko" sabi niya.

Napanganga naman ako. "Anong nasira ang mood? Hoy, paano naman ako?" Tanong ko.

"Next time na lang Ella, wala na 'yung mood. Kahit sagutin mo ako, basag na 'yung atmosphere"

Tingnan mo itong lalaking ito, napakaraming arte sa buhay. Tinulak ko naman siya.

BitterELLA : Move on na ba Talaga? (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon