"I see you remember me," sabi ni Anton. Nakangiti ito ngunit hindi umaabot sa mga mata nitong halos magbaga na sa galit. "Mabuti naman. It will make what I'm going to do more satisfying.""A---ano'ng pinagsasabi mo?" nalilitong tanong ni Audrey sa kabila ng kabang umahon sa dibdib niya. Mula nang mag-debut siya'y hindi na niya nakita si Anton. Ayon kay Aling Candida, nagpunta sa Maynila ang lalaki upang doon na mag-aral. Isang liham na kababanaagan ng pinaghalong galit at paghihinampo ang tanging iniwan nito. Doon ay nakasaad na magkalimutan na lang sila. Hula niya, nabalitaan nito ang tungkol kay Alex, pati na sa naging pahayag ni Don Miguel na engaged na sila ng lalaki.
"You have twenty-four hours to get out of my property," matigas na hayag ni Anton.
"Your property?"
"Ang haciendang ito ay pag-aari ko na."
"Nasisiraan ka ba? Si Mr. Moreno ang bumili ng hacienda."
"At ibinenta naman niya ito sa akin."
"Ano?" Halos mawalan siya ng ulirat nang marinig iyon.
"Heto ang patunay." Isinalaksak nito sa kamay niya ang isang folder at nang buklatin niya iyo'y natuklasan niyang mga papeles ang laman niyon.
"D---deed of sale?" nagugulumihanang usal niya.
"Bakit? Hindi ka ba makapaniwalang ang isang hampaslupang kagaya ko'y makakabili ng haciendang nagkakahalaga ng tatlumpung milyong piso?"
Napatitig sa lalaki si Audrey. Parang noon lang napunang kay laki na ng ipinagbago ng itsura nito mula nang sila'y maghiwalay. At pati pananalita't punto nito'y iba na rin.
"A decade is a long time. At sa loob ng mahigit sampung taon, sino'ng makapagsasabi kung anong suwerte ang maaaring dumating sa buhay ng isang tao? By the same token, hindi rin masasabi kung anong kamalasan ang puwedeng dumapo sa iba."
"H--- hindi ko maintindihan..."
"It's simple, my dear. Matapos mong durugin ang puso ko'y nagpunta ako sa Maynila para mag-aral sa kagandahang-loob ng isang kamag-anak. Hep!" Itinaas nito ang isang kamay bilang pahiwatig na huwag siyang sumabat.
BINABASA MO ANG
Walang Hanggang Pagmamahal
RomanceDisclaimer: I do not own this story and just wanted to share this wonderful one. Enjoy ♥