Dapat ay masayang-masaya si Audrey sa mga pangyayari. Naisalba niya ang kabuhayan nila nang hindi naisasakripisyo ang kalusugan ng kanyang ama. Hindi rin mahihirapan si Don Miguel na mag-adjust sa pagbabagong mangyayari sana sa nakagawian na nitong istilo ng pamumuhay dahil mananatili ito sa hacienda.Lahat ng iyon at hindi pa niya kailangang makisama kay Anton. Dapat nga'y ituring niyang siya ang mas nakalamang subalit hindi niya masawata ang diskontentong nananahan sa kanyang puso.
Magdadalawang linggo na mula nang pauwiin siya ni Anton sa hacienda. Ngunit sa loob ng panahong iyon, ni minsan ay hindi siya tinawagan nito maski para man lang alamin kung buhay pa siya. Pakiramdam tuloy niya'y isa siyang unwanted baggage na basta na lang itinapon.
May kinalaman kaya si Jeanette sa naging pasya ng asawa? Hindi niya mapigilan ang magtaka.
Halatang ibig ding mag-usisa ni Don Miguel pero komo hindi ito makapagsalita'y hindi iyon magawa ng ama niya na labis namang ipinagpasalamat. Mahihirapan yata siyang ipaliwanag kung ano ang nangyayari sa kanila ni Anton.
Isang umaga, inaatupag niya ang mga alagang orchids sa hardin nang matanaw ang parating na Ford Expedition. Parang may kung anong kumislot sa dibdib niya nang huminto iyon at bumaba si Anton.
Pinaghalong kaba't pananabik ang kanyang naramdaman. Napasiksik siya sa mga halaman para magtago at mag-ipon ng lakas ng loob bago harapin ito.
"Magandang umaga ho," bati nito kay Don Miguel na nakaupo sa wheelchair at pinapaarawan ng nurse sa hardin.
Isang ungol ng pagbati ang itinugon ng don.
"Si Audrey?" tanong nito sa nurse.
Hindi na niya hinintay na puntahan nito ang pinagkukublihan niya. Humugot lang siya ng malalim na paghinga bago lumabas sa pinagkukublihan.
"Hi, sweetheart. I missed you," bati nito sablay hablot sa kanya at hinagkan siya sa pisngi. "Huwag kang pumalag. May nanonood," paanas nitong bulong nang umakma siyang magkukumawala.
Noon lang niya naalala na naroon nga pala ang ama niya, pati na ang nurse. "I... m---missed you, too." nauutal niyang tugon.
Noon lang siya nito pinawalan. "'Pa," baling nito kay Don Miguel. "Habang nasa Maynila ako'y may ipinaalam na therapy sa akin ang isa sa mga espesyalistang kakilala ko. It's rather new and still experimental but so far, maganda ang magiging resulta."
"Therapy?" sambot niya. "Ano'ng klase? At ano ang ipinagkaiba sa ginagawa sa kanya?"
"It's more intensive. Halos lahat ng waking hours niya'y sasakupin nito."
"Ibig sabihin, titira dito ang therapist?"
Umiling ito. "Kakailanganing tumira ni Papa sa center kung saan isinasagawa ang makabagong therapy."
"What? At sino'ng makakasama niya roon? Can I stay with him?" tanong niya.
"You can visit, pero hindi ka maaaring tumira din doon. It's specifically for patients only. At tungkol sa magbabantay, may mga nurses at therapists doon round the clock," paliwanag nito.
"No," pasya niya. "Gaya ng sabi mo, experimental pa lang ang therapy. Hindi mapapatunayang---"
"It's been proven to work. Itinuturing lang na experimental dahil sa kakulangan pa ng ilang datos sa clinical trials."
"At gawing guinea pig ang papa ko, gano'n?"
"Not necessarily. Can we talk in ptivate?" nagtatagis ang bagang na saad nito. "Excuse us," pasintabi nito sa mga kaharap, pagkuwa'y halos kaladkarin na siya palayo.
BINABASA MO ANG
Walang Hanggang Pagmamahal
RomanceDisclaimer: I do not own this story and just wanted to share this wonderful one. Enjoy ♥