Chapter 8

29 0 0
                                    


Will I leave or will I stay? Ipapaalam ko ba kay Anton ang tungkol sa nasa sinapupunan ko o ililihim ito?

Ang mga katanungang iyon ang nagpapagulo sa isip ni Audrey sa sumunod na mga araw. At habang nalilito siya'y kinakabahan din. Inaasahan niya, anumang araw ay baka sabihin ng asawa na puwede na siyang umalis.

I should leave now. Dapat ay huwag ko nang hintaying palayasin niya 'ko. That would be more humiliating.. minsang naiisip niya.

But what about the baby? 'Di ba't karapatan niyang kilalanin siya ng kanyang ama? agam-agam naman niya.

Litung-lito siya at parati pang masama ang pakiramdam niya. Madalas tuloy ay sa silid na lang siya naglalagi.

~~~~

"Hey, Dear Brother, I just got an invitation for this weekend," hayag ni Alicia isang umagang nag-aagahan sila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hey, Dear Brother, I just got an invitation for this weekend," hayag ni Alicia isang umagang nag-aagahan sila.

"What kind of invitation?" usisa ni Jeanette.

"Remember Dan? Iyong kaibigan ko? Well, he wants me to go to his family's beach house to meet his parents sa celebration ng anniversary nila. Sa Iloilo 'yon and it's on an island."

"I'm sure you said no," pakli ni Anton.

"I did not," maanghang na tanggi ni Alicia. "First, I want to see the place. Ayon sa bali-balita, it's like a paradise sa ganda. Secondly, I want to be with him. And pangatlo, in case you haven't noticed, nasa hustong gulang na 'ko para magdesisyon."

"Well, you better change your answer. Wala akong pakialam kahit singkuwenta anyos ka na. Hindi pa rin magandang tingnan na basta ka na lang nagsasasama sa lalaking iyon sa mga liblib na lugar."

"Oh, for heaven's sake! Nakapunta na nga ako sa Europe na mag-isa, eh."

"Nagpunta ka sa Europe na mag-isa. That's the big difference. This time you won't be going alone. May kasama kang lalaki. Did you ever stop to think kung ano na lang ang iisipin ng mga magulang ni Dan? Times have changed, I agree, pero marami pa rin ang naniniwala sa lumang kaugalian amd it doesn't hurt kung pinuhan mo ang kilos mo."

"Well, you could come with me." Matamis pa sa asukal ang tinig ni Alicia nang bigkasin ang mungkahing iyon.

"Ba't ko naman gagawin 'yon?" ani Anton.

"Dahil nakikiusap ako. Please, Kuya. Gusto ko ring ma-meet ang parents ni Dan. That means he's serious with me, right? Serious enough para ipakilala sa mga magulang niya. Sige na naman, o. You can even bring Audrey along."

"Naku, hindi," agad na tanggi ni Audrey. Hindi niya kakayanin ang biyahe. Mapa-eroplano man o mapa-barko, tiyak na masusuka't mahihilo siya.

"Why not?" baling sa kanya ni Anton.

"Basta, ayoko."

"Si Jeanette na lang." mungkahi ni Alicia.

"Oh, no, not me." tutol ni Jeanette.

Walang Hanggang PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon