Masaya si Alicia sa naging takbo ng mga pangyayari. Sa wakas ay nakaganti na si Anton. Ang ipinagtataka lang niya, parang hindi masaya ang kapatid. Malimit kasi niyang mapunang nakatingin ito sa malayo. Halatang malalim ang iniisip.Hindi kaya mahal talaga niya si Audrey? kung minsan ay pagdududa niya. A, kalokohan! He's stupid to love her matapos ang ginawa ng babaeng iyon sa kanya!
Walang balak na ipaalam ni Alicia ang naging papel niya sa pag-alis ni Audrey at sa tuluyang pagkawasak ng pagsasama ng dalawa.
~~~~
Maliligo sana si Alicia sa banyong nasa loob ng kanyang silid nang matuklasang ubos na ang stock ng sabong nakalagay sa cabinet.
"Maring! Sebyang!" tawag niya sa mga katulong para humingi ng sabon ngunit walang tumugon sa mga ito. Ni wala siyang ideya kung saan inilalagay ang stock ng mga toiletries kaya minabuti niyang ang banyong nasa master's bedroom na lang ang gamitin. Tutal ay wala na si Audrey at si Anton naman ay alam niyang nakaligo na.
Pagdating doon ay binuksan niya ang cabinet na kinalalagyan ng mga sabon. Inabot niya ang isa sa mga iyon. Mali marahil ang pagkakasalansan ng mga iyon, o 'di kaya'y wala siyang ingat sa paghablot dahil biglang nangalaglag ang mga kahon.
"Oh, shit!" pakli niya saka awtomatikong napayuko para pulutin ang mga iyon. "Hay, naku hayaan na nga lang ang mga 'yan diyan." sabi na lang niya at akmang didiretso na ulit ng tayo. Nang masulyapan niya ang maliit na bagay na napasiksik sa sulok. Parang nahuhulaan na niya kung ano iyon. Naintriga siya at pinulot iyon.
Napakunot-noo siya nang matuklasang tama ang kanyang hula, mas lalo pa nang mapiho kung ano ang ibig sabihin niyon.
Dagli niyang nakalimutan ang pakay sa banyo. Mabilis siyang lumabas para hanapin ang kapatid.
"Look at this," ani Alicia nang matagpuan si Anton sa library. Sabay abot ng pregnancy test kit sa kapatid. "Do you know what it is?"
"Yes, but I don't know what it says," ani Anton.
"It means positive ang resulta ng test."
"You're pregnant? Sinong tarantadong lalaki ang---"
"Not me. Hindi sa'kin ang test kit na 'yan."
"Eh, kanino pala?" nagugulumihanang tanong ni Anton.
"H---Hindi ba kay... kay Jeanette?" bantulot na turan ni Alicia.
"I wouldn't know. Saan mo ba natagpuan 'to?"
"Sa banyong kanugnog ng master's bedroom."
"Jeanette never uses that bathroom." Napatiim ang bagang ni Anton. "As far as I know, isang tao lang ang gumagamit niyon bukod sa 'kin. Shit! Why didn't she tell me?" Iyon lang at nagmamadali siyang lumabas ng silid.
"Kuya,wait!" tawag ni Alicia ngunit ni hindi niya nilingon ang kapatid.
~~~~
Sa Hacienda San Diego, unti-unti nang nasasanay si Audrey. Para ngang kay daling naibsan ang pasanin niya mula nang ipasya niyang doon na mamalagi. Technically ay kay Anton na ang naturang propyedad, ngunit hindi niya maiwasang ituring iyon na kanya.
BINABASA MO ANG
Walang Hanggang Pagmamahal
RomanceDisclaimer: I do not own this story and just wanted to share this wonderful one. Enjoy ♥