Chapter 7

36 0 0
                                    

Nagpumilit pa si Anton na ipagamit kay Jeanette ang isa sa mga sasakyan nito sa pagpunta sa airport kinabukasan. Hustong nakalabas na ang Toyota Prado at isinasara na ng katulong ang pintuang bakal nang isang taxi naman ang humimpil sa labas ng gate. Isang babae ang bumaba at tuluy-tuloy na pumasok.

"Hello, dear, I missed you."

Mula sa komedor kung saan siya nag-aalmusal ay naulinigan ni Audrey ang panibagong tinig. Napapakunot-noo siyang tumayo upang mag-usisa kung sino na namang babae ang tumatawag sa asawa niya ng 'dear'.

Mukhang kailangan ko nang gumawa ng files to keep track of his many women.

Isang sopistikadang babae ang nadatnan niyang mahigpit na nakayakap kay Anton. Eksenang dagling nagpataas ng presyon niya.

"Ehem!" Isang eksaheradong pagtikhim ang kanyang pinawalan.

"O, Alicia, hindi mo pa nakikilala ang iyong sister-in-law," ani Anton.

Isang mapanuring tingin ang ibinaling sa kanya ng babae. "Hi," pagkuwa'y malamig ang tinig na bati.

"Hi din," ganti niya.

So this is Alicia now

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

So this is Alicia now. Napakalayo na nito sa mabait at inosenteng dalagitang kilala ko noon.

"Sino 'yong umalis kanina na sakay ng Prado?" baling ulit ni Alicia sa kapatid.

"Si Jeanette. She's leaving for the States."

"Si Jeanette? Oh, sayang hindi kami nagtagpo. It's been quite a while since I saw her. She's a real good friend of mine," himig-nagpapasaring na sabi nito. "Anyway, I hope  she's coming back soon. Dito ba ulit siya tumira?"

Tumango si Anton.

Ulit. Napatiim ang bagang ni Audrey sa katagang iyon. Ibig sabihin, gawi nang mamalagi ni Jeanette sa bahay ng lalaki. Mas lalo tuloy umigting ang pagdududa niyang may ugnayan ito at ang kanyang asawa.

"Come join us. We're having breakfast," yaya  ni Anton sa kapatid.

"Sure. Maring, pakidala na sa room ang mga gamit ko." utos nito sa katulong.

"And how long are you staying this time?" tanong ni Anton.

"Bakit? Hindi na ba 'ko welcome dito ngayong may asawa ka na?" Minasama ni Alicia ang isang simpleng katanungan.

"Sobra ka. I'm just asking, that's all."

"To be honest, I don't know yet. Depende sa mood ko, I guess."

~~~~

~~~~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Walang Hanggang PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon