Kung nakailang ulit na humingi ng patawad si Alicia, hindi na mabilang ni Audrey. Basta't ang mahalaga'y nagkaintindihan na sila.Muli silang nagpakasal ni Anton. Sa simbahan naman ngayon. At ilang buwan pa ang lumipas ay isinilang niya ang isang malusog na sanggol.
"Addison" ang pinangalan nila rito."I'm glad at babae ang panganay natin. Ngayon ay may mapagpapasahan na 'ko nito," sabi niya nang nasa bahay na sila.
"A great heirloom, I presume." ani Anton na noo'y nakatuon ang pansin sa paglalaro sa anak nila.
"Yes."
May kung ano sa tinig niya ang nagpalingon sa lalaki. Laking gulat nito nang makitang ang tangan niya'y isang simpleng kuwintas na may hugis-pusong locket. Pagkuwa'y napakunot ito. May naalala. "I---iyan ba ang kuwintas na iniregalo ko?" mangha nitong tanong.
"I kept it all these years. At ngayon ay ipapasa ko ito sa anak natin when she turns eighteen."
"Naman, Audrey. That's a plain gold necklace. Puwede natin siyang ibili ng higit diyan." protesta ni Anton.
"But it won't be as valuable as this one," hayag ni Audrey. "Ito ang sumasagisag ng pagmamahalan natin na muntik nang 'di magkaroon ng katuparan."
May kung anong umusbong sa puso nito sa kanyang tinuran. Tanda nito kung ano ang naramdaman nito nang makita ang bigay ni Alex noon at kung paanong nanliit ito matapos maikompara ang payak nitong regalo.
"I love you. So much," usal nito sabay yakap sa asawa.
"And I love you with all my heart," ganti ni Audrey.
Nang magdaiti ang mga labi nila para sa isang maigting na halik, pakiwari niya'y nagsimula na ang pinakamasayang kabanata ng buhay niya.
🌸🌸🌸 W A K A S 🌸🌸🌸
BINABASA MO ANG
Walang Hanggang Pagmamahal
RomanceDisclaimer: I do not own this story and just wanted to share this wonderful one. Enjoy ♥