Chapter 23: She's His Nurse II

45 0 0
                                    

(SYDNEY'S POV)

Habang nasa kotse kami, hindi ako makapaniwalang nasabi ko kay chaks yung mga nasabi ko sakanya tungkol kay Aubrey. Sobrang nadala ako ng selos? Naaah! Galit? Nooooo. Tampo lang. Maybe.

"Bakit ang tahimik mo chaks?"

Tanong ni Euge.

"Wala lang. Nagda-drive ako eh."

Okay. Palusot.

Umubo si chaks, sunod sunod.

"Okay ka lang ba chaks?"

"Magkakasakit ata ako. HACHHHHHHHIIINGGGGGG!"

Nakuuuuu! Kasalanan ko to eh. Napaka mean mo talaga Sydney!

"Tanggalin mo nga muna yang t-shirt mo. Dalian mo, malapit naman na tayo."

Tinanggal niya yung t-shirt niya. Ubo parin siya ng ubo. Buti na lang ako, malakas resistensya. Kaso baka mahawa naman ako sakanya.

"Ubo ka ng ubo. Yan kasi! Napaka kulit mo!"

"Kesa naman tumunganga ako. Edi sana hindi tayo magkasama ngayon. HACHIIIING! At saka, aalagaan mo naman ako diba?"

Ano pa nga ba? Eh kasalanan ko rin naman kung bakit siya ganyan ngayon. 

Nakarating na kami sa bahay.

"Bakit basang basa kayong dalawa!!??? Umupo nga kayo jan! Wala ba kayong mga payong??"

Si Manang Emy. 

"Ayan po kasi si Sydney manang, hinayaan akong maligo sa ulan. HACHIIIINNNG!"

"Wag ka maniwala sakanya manang!"

"Wag na kayo magturuan. Jan nga muna kayo. Kukuha ako ng pamalit niyo. Kay papasaway na bata!!!"

Tumingin sakin si chaks. Natatawa kami parehas.

"Ayan, ginagalit mo yung yaya mo. Bad girl!"

"Tapos ginatungan mo pa!"

"Eh ikaw? Kailan mo gagatungan yung pagmamahal ko sayo?"

"Para kang tanga."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Ang lakas ng tawa niya sabay ubo din ng malakas.

"Ayan. Para ka kasing tanga. Inubo ka tuloy.

"Oh Sydney Gale, maligo ka dun sa kwarto mo. Eto pamalit mo. Ikaw naman Eugene, ito iyo. Dito ka sa baba maligo."

"Salamat po manang Emy!"

Sabay pa talaga kami ni chaks.

"Sige na, maghahanda ako ng miryenda niyo. Hala sige, magsi-kilos na."

"Manang Emy, hindi ba pwedeng sabay na lang kami ni chaks maligo? Wala namang malisya. Para narin kaming magkapatid."

Gosh, what's he saying? Ganito ba pag nauulanan?

Tinignan ko siya ng masama tapos tinawanan niya ko.

"Tumigil ka Eugene. Kumilos na kayo."

"Biro lang po. Yung miryenda namin ha!"

Tumayo si chaks at tumakbo papuntang banyo. Me too.

He Loves Me? He Loves Me Not? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon