Chapter 2: The Nerd's Boyfriend

154 2 1
                                    

Note: Play the instrumental video on the lower right part. Reading this with music is way better!

(Music: I Love You This Big)

(SYDNEY'S POV)

(Sa school)

As usual, ako na naman ang pinaka maaga dito sa room. Wala pa yung best friend ko. Buti na lang umaga ang klase ko at hindi gabi. Teka, oras na para magpakilala ako. :)

I'm Sydney Gale Martinez. 18 years old. I have 2 siblings. Si kuya Pacs na may asawa na at si kuya Ryan naman na single pa pero nagtatrabaho na. They're currently living in Aussie. Yes, ako ang bunso. I'm 3rd year college. Okay. So anong itsura ko? Kayo na ang bahalang humusga. Hahahaha. Madalas akong ma bully dahil sa itsura ko. Betty La Fea the second nga daw ako eh. Minsan lang sila mabait sakin. Kapag may kailangan lang. Aminado naman kasi akong matalino ako. Hehe. Lalo pa akong nagmukang matalino dahil sa salamin ko. 300 at 150 ang grado ng mga mata ko. Kaya hindi ko na kaya pag wala yung salamin ko. Apat nga daw mata ko eh. Haha!

"Huuuuuuuuuuuuy!" Sigaw ni Eugene.

Loko talaga to si Eugene. Alam na nga niyang magugulatin ako.

"Epal ka talaga chaks! Ginulat mo na naman ako." Sigaw ko.

Chaks nga pala ang tawagan namin. From the word CHAKA. Hahahaha!

Tumawa pa ang loko.

"Ang panget mo magulat chaks."

"Oo na. Palibahasa kasi gwapo ka."

Umupo siya sa tabi ko.

Ginulo pa niya yung buhok ko.

"Biro lang chaks. Alam mo namang gandang ganda ako sayo eh." Sabay ngiti.

"Nambola ka pa."

"Osge, edi ang panget panget mo."

HAHAHAHAHA! Siraulo talaga tong si Eugene.

"Ang sama mo! By the way, napanaginipan ko si Nico kagabi."

"Hulaan ko, maganda ka dun? Tapos dun, sweet sayo si Nico?"

"Ang galing mo ah! Pano mo nalaman?"

"Sus. Eh lagi namang ganyan yung napapanaginipan mo eh. Ewan ko ba sayo."

"Lagi namang bitin. Nakakainis. Sa panaginip na nga lang eh, pinagkakait pa."

Tumawa kaming dalawa.

May mga parating na estudyante. Mga kaklase namin. Nabosesan ko yung isa.

Speaking, si Nico. 

Ang boyfriend ko. Yes boyfriend ko siya. Gwapo siya, mabait at malambing minsan. His parents and mine are friends. So close ang family namin. Lapitin siya ng girls. Sweet siya sa lahat. Ewan ko kung bakit sakin lang hindi. 

Tinignan namin siya ni Eugene pero hindi man lang niya ko pinansin.

Okay lang. Sanay naman na ko. Pag nasa school parang hindi kami magkakilala. Ayaw daw kasi niyang makanchawan siya ng mga barkada niya dahil sa itsura ng girlfriend niya. Yeah, that hurts. A lot. Pinagkasundo lang naman kami ng mga magulang namin eh. Kaya parang lokohan din yung relasyon namin. There's no committment but honestly speaking, I love him though.

He Loves Me? He Loves Me Not? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon