Chapter 1: She's a Nerd

257 6 1
                                    

Note: Play the instrumental video on the lower right part. Reading this with music is way better!

(Music: Kulang Ako Kung Wala Ka)

(SYDNEY'S POV)

Isang gabi..

Kakagaling lang namin ni Nico sa isang party ng kaibigan namin. Nico decided to take me to his house. Malapit lang din kasi kesa naman sa bahay namin and besides, ala-una narin ng madaling araw.

(Sa bahay nila Nico)

(Sa kwarto)

"Lowbat na pala ko babe." Sabi ko at saka naupo sa kama.

Tinatanggal ni Nico ang kanyang sapatos habang nakaharap sakin.

"Itext mo muna si tita. Sabihin mo dito ka na matutulog sa bahay namin." Sabay abot ng cellphone nito.

Tinext ko na nga si mommy para hindi na siya mag-alala. Pinapayagan naman niya kong mag stay with Nico kasi may tiwala siya saming dalawa.

Habang nagtetext ako ay tinatanggal naman ni Nico ang suot kong high heels.

"Sigurado ako masakit na tong mga paa mo." Sabay masahe sa paa ko.

Ngumiti ako. Wala lang, para kasing ang sweet. :)

"Oo nga eh. Ang taas pa naman."

"Teka babe, kukuha lang ako ng pamalit mo." At saka tumayo.

Nilibot ko muna ang mga mata ko sa kwarto ng boyfriend ko. Saka lang nag sink in sa utak ko na, kaming dalawa lang pala sa kwarto at dis oras pa ng gabi. Nangingiti ako na para bang alam ko na ang susunod na mangyayari. Lol.

"Babe." Bungad niya sakin sabay abot ng damit. 

Shorts at t-shirt niya ang binigay niya sakin.

"Bakit t-shirt babe?" Tanong ko.

"Bakit, ano bang gusto mo? Yung sleeveless?"

Bakit ganito ang tanong niya. Nakakapagtaka hahaha.

"Ha? Hindi. Eh kasi hindi ko naman to damit. May damit naman ako dito diba?"

Ngumiti siya. "You look sexier and simpler with that shirt." 

Awww. Ang sweet lang. Oo nga naman. :">

"Thanks babe, shower muna ko ah." Tumayo ako mula sa kinuupuan ko.

"Sige, I'll go next." Sabi niya sabay halik sa noo ko.

Napangiti ako.

Habang nasa banyo ako, naglalaro sa isip ko kung ano ba ang nasa isip ni Nico.

Para makasigurado ay nagkuskos ako ng maigi. Nag shampoo mabuti at nag tooth brush sempre. Meron pa naman kaming couple toothbrush. Hindi ko naman maiwasang isipin yun kasi kaming dalawa lang sa kwarto tapos kami pa. Oh diba. Hihi, feeling ko ang tagal ko sa banyo.

Bago ko umalis ay nagbihis na ako sa loob ng banyo at itinaklob ko ang tuwalya sa basa kong buhok.

"Ang tagal mo babe ah? Kaya ka pumuputi eh." Tumatawang sabi niya sakin.

Tumawa ako. "Hala. Hindi no. Feeling ko lang kasi ang daming dumi sa katawan ko dahil sa party kanina."

Ngumiti sakin si Nico. "Sige antayin mo ko ah. Mabilis lang ako maligo." Nakangiting sabi ni Nico at saka pumasok ng banyo.

He Loves Me? He Loves Me Not? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon