(SYDNEY'S POV)
Nagtext na naman sakin si Chaks.
Pinapalabas niya ko.
This time kasi magpapatugtog lang sila tapos bahala na yung mga estudyante kung ano gusto nilang gawin.
Lumabas ako.
Pagkalabas ko, narinig ko yung members ng banda.
Tawanan ng tawanan.
Ang iingay. Daig pa mga babae.
Pumunta ko sa may gilid ng stage.
Mas dumami pa yung tao.
Hindi ko makita si Nico.
"Chaks! Andito ka lang pala." Bungad ni Euge.
"Nakita mo ba si Nico?"
"Hindi. Wala akong pake dun."
"Chaks naman."
Tinignan niya ko.
"Alam mo namang magkasama sila ni Denisse. Gusto mo pa talagang sinasabi eh no."
Nagbuntong hininga ako.
"I'll call him."
Tinawagan ko nga si Nico pero hindi niya sinasagot.
"Asa ka pang sasagutin niya. Magtext nga hindi niya magawa eh."
"Alam mo, imbes na pagaanin mo yung loob ko, dumadagdag ka lang eh."
Inakbayan niya ko.
"Lika na nga, kumain nalang tayo.
Di na kami lumabas ng school.
Sa canteen palang, ang dami ng pagkain.
"Chaks, nakakainlove talaga yung boses mo."
Nginitian ko siya.
"Pag kumakanta ka, gusto kong isigaw na, Uy! Chaks ko yan!"
Natatawa ako sa mga pinagsasasabi niya. Hahaha.
"Hilig mo talagang mambola pagdating sakin eh no?"
"Chaks, di kita binobola. Yan hirap sayo eh."
"Ewan ko sayo. By the way, ang galing ng banda kanina no?"
"Sus. Mas magaling ka pa dun."
"Pero I think familiar yung boses niya. Parang narinig ko na, di ko lang matandaan."
"Eh malamang banda sila. Saka guni guni mo lang yun, nu ka ba."
"Baka nga. Teka, diba may sasabihin ka sakin?"
"Ngayon ko na sasabihin?"
"Oo. Magkausap na tayo oh."
"Ayoko. Ang panget ng aura eh."
"Ang arte mo chaks. Dali na."
"Mamaya na nga lang. Wag kang makulit."
"Tungkol san ba kasi?"
"Mamaya na nga diba?"
Gusto ko na talagang malaman.
"Clue?"
BINABASA MO ANG
He Loves Me? He Loves Me Not? (On-Going)
Fiksi Remaja"Pag ako gumanda, humanda kayo." So, there is this nerd girl named Sydney. She has what everyone wants - MONEY. One thing she wanted - BEAUTY. She has a best friend who's secretly in love with her. A boyfriend who doesn't know her worth and one gu...