Note: Play the instrumental video on the lower right part. Reading this with music is way better!
(Music: Love U )
(EUGENE'S POV)
Hindi ako pumasok ngayong araw. Hindi dahil galit ako kay chaks kundi dahil ang sakit parin ng katawan ko. Pero pwede na rin siguro yung medyo tampo ako kay chaks. Kagulat gulat naman kasi talaga yung nangyari. Biruin mo, nakipag away pa ko. Pinagtanggol ko pa siya, yun naman pala, sila na ulit.
Alam ko namang sasabihin sakin yun ni chaks. Na-late lang talaga siya ng pasok at inunahan naman ako ng galit. Siguro love din ako ni chaks. Kasi, ayaw niya kong layuan eh. Kahit na anong sabi sakanya ni Nico, hindi niya ko magawang iwasan. Di ko maiwasang hindi mag expect pero siguro importante lang talaga ako sakanya.
4pm na. Uwian na nila. Nag-aantay ako ng tawag o kahit text man lang galing sakanya. Hindi ko siya tinetext kasi wala lang. Pa chx. Kunyari gwapo. Hehe.
"Dali na chaks! Ikiss mo na ko. Ang tagal tagal oh!"
*PAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAK*
"ARAY! ANO BANG PROBLEMA MO!?"
Nagising ako sa malakas na hampas ni chaks.
Nilapag niya yung dala niyang pizza sa may center table.
"KADIRI KA! SABI MO, IKISS KITA. YUCCCCK! PATI BA NAMAN SA PANAGINIP? NAKA-NGUSO KA PA!"
Ganun ko ba talaga siya iniisip? Haaay.
Napapadalas na yung pagtulog ko sa lapag. Bakit ba hindi ako makatulog tulog kahit sa sofa man lang? Ito naman si chaks, bigla biglang sumusulpot.
Umupo ako.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko.
Tinignan niya ko ng masama.
"Oh, tignan mo. Ala-siete na. Bat ka pa nandito?"
Sumigaw siya.
"BAWAL NA BANG DUMALAW!!?"
Kinuha niya yung box ng pizza at tumalikod sakin.
"Oh, san ka pupunta?"
"UUWI NA! HINDI NA ATA AKO WELCOME DITO!"
Natatawa ako. Hahahaha.
Para na naman siyang bata.
"Iwan mo yang pizza. Diba para sakin yan?"
Humarap siya sakin at talagang galit na galit.
Napikon. Hahahahah!
"ANG KAPAL NG MUKHA MO! AKO BUMILI NITO!!"
Lumabas na siya ng bahay at kinalampag pa yung pinto.
Susuyuin ko muna si mahal. Hahaha, nag iilusyon na naman ako.
Sinundan ko siya sa labas.
Malapit na siya sa kotse niya. Buti na lang nahawakan ko agad yung braso niya.
"Chaks."
"Bitawan mo nga ko!"
NagLLQ ba kami? Pano magiging LQ to eh hindi naman kami. Lover's Quarrel nga eh. Edi sige, best friend's quarrel na lang. Hehe.
BINABASA MO ANG
He Loves Me? He Loves Me Not? (On-Going)
Fiksi Remaja"Pag ako gumanda, humanda kayo." So, there is this nerd girl named Sydney. She has what everyone wants - MONEY. One thing she wanted - BEAUTY. She has a best friend who's secretly in love with her. A boyfriend who doesn't know her worth and one gu...