Part One

3.5K 146 154
                                    

"I am Doctor Felix Kendrick Rye..." he said while looking at my eyes with a smile so nice. "It's been a while..."

I closed my eyes hardly. Halos isang linggo na ang nakakaraan simula nang dumating si Felix sa Ospital namin. Natapos na ang suspension ko at naka-move on na ang lahat, pero ako, hindi pa rin.

Katatapos ko lang mag-check up ng mga pasyente. Wala namang masiyadong gawain, hindi rin naman heavy ang load ko for this week, pero feeling ko pagod na pagod ako at walang pahinga. Sa tuwing bakante ang oras ko, my brain did nothing but to remind me of what happened that very night.

"Maia," saad ni Yen, isa sa mga nurse na naging ka-vibe ko na rin kahit noong una ay ayaw namin sa isa't isa. "Magpapasabay ka ba ng food o ano? Naghihintay si Ariane, oh."

Doon naman ako napatingin sa babae sa harapan ko. Si Ariane ay isa ring doktor at sabay kaming pumasok sa hospital na ito. Masasabi kong super close kami, kahit na mas close pa sila ni Yen. Ako ang third wheel sa friendship nila.

"Girl, you know what, if inaalala mo pa rin 'yung last week, stop it. Grabeng humiliation na ang inabot mo that night, hindi dapat ginagawang core memory 'yan."

Nagtawanan si Yen at Ariane. Maging ako ay bahagya na ring natawa.

Kilala ako sa ospital bilang ang doktor na matigas ang ulo. Kakampi ako parati ng mga pasyente at kahit na against sa protocol, gagawan at gagawan ko talaga ng paraan para makatulong.

Pero noong gabing iyon, noong si Felix ang nag-take over. Para akong isang bata na nasa gilid lang, tahimik at pinanonood lang ang lahat.

"I heard you're under suspension," Felix told me that night. "Let me handle the situation, Doctor Brynn."

At para naman akong masunuring bata na tumango lang. Nagtatawanan na nga ang mga kakilala ko dahil kung ibang doktor lang ang nagsabi niyon, I would protest. But with Felix, I looked like a tamed fox.

He was a good doctor. He never showed stress kahit na sobrang stressful ng sitwasyon niya. Nahawa na lang tuloy ang mga staff at maging ang mga pasyente ay bahagyang kumalma.

I found out that the hospital scouted him to be part of the hospital, if not begged. They knew his expertise and achievements abroad so they didn't waste any time at all.

"Wala namang nakakahiya sa ginawa ko," depensa ko sa sarili. "Short staffed that day, ano ba naman kung mag overtime ako?"

Napailing na lang si Yen. "Maia, 'wag mo kaming lokohin, ha. Kung nakita mo lang mukha mo that day, kahit ikaw matatawa. Lahat kami rito inaaway mo kapag tingin mo mali ginagawa namin, or if tingin mong kaya namang i-bypass ang bagay-bagay. Pero that night, nasa gilid lang, parang multo."

"Ano bang dapat kong gawin?" tanong ko pabalik. "He was good. No, he's naturally good. Wala naman akong dapat kontrahin sa ginawa niya, nakita n'yo naman kung gaano siya kagaling. I applaused how he handled the situation, that's it. Kaya nanahimik na lang ako."

"Asus," kantyaw ni Ariane. "As if naman hindi alam ng buong ospital na almost-a-thing kayo before. A love story that never had the chance to begin. A flower that didn't bloom. An unfinished poem."

Nagtilian si Ariane at Yen, tuwang-tuwa sa pang-aasar nila.

Mabilis na kumalat sa buong office ang nakaraan namin ni Felix. Na Felix had a huge crush on me, that we dated until we parted ways and all. E, paano, iyong mga ka-batch ni Felix noon ay dito rin nagtratrabaho. Wala pa ngang isang araw simula nang nagtrabaho si Felix dito ay alam na agad ng lahat.

"Ewan ko sa inyo," natatawa ko na ring sa kanila. "Sige na nga, pasabay na lang ng ube milk tea sa The Alley. Iyon lang."

"No," mariing sabi ni Yen. "Kuwentuhan mo muna kami.  Bakit hindi nag-level up ang dating part n'yo? What happened? Don't tell me siya ang umayaw ha, e kung makangiti siya sa 'yo that night, mukhang miss na miss ka niya, e!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taking A Step Closer To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon