"You owe me a date, sweetheart..."
Napa-iling ako habang naglalakad pa-uwi sa bahay. Ilang minuto lang kaming nag-usap ni Felix pero ganito na ang epekto niya sa akin.
May ganoon talaga, ano?
Mapapangiti ka na lang 'pag na-aalala mo.
Tapos mapapa-isip ka ng mga banat na dapat sinabi mo.
O 'di kaya, mag cri-cringe ka sa mga bagay na sinabi mo.
Pero kung iisipin ko ang naging pag-uusap namin, ang sakto lang ng lahat. Everything went smooth as if that wasn't the first time we met and talked.
That made me realized one thing. May mga pagkakataon na matagal mo nang nakaka-usap ang isang tao pero ang bigat-bigat sa pakiramdam. Nakaka-suffocate. Ang hirap maging totoo.
Tapos, may mga tao naman na sa maikling pagkakataon mo lang naka-usap pero ang gaan sa pakiramdam. You weren't pretentious whatsoever. You were like the darkness in his shadows, things just fit perfectly.
Nang marating ko ang gate namin ay agad akong huminto. Ako na lang ang tao sa labas at napakadilim na ng daanan.
Doon ko kinuha ang phone ko at tiningnan ang huling text ni Felix.
"Text mo 'ko 'pag naka-uwi ka na. I care : )))"
Muli akong napangiti. Tamang-tama ang grammar at apostrophes.
"Sa bahay na 'ko," reply ko.
Kumatok na 'ko sa gate at nakita kong bukas pa ang ilaw mula sa loob.
"Maia, ikaw ba 'yan, 'nak?" rinig kong tanong ni papa.
"Opo!" sigaw ko. "Ako ho ito."
Ilang segundo lang ay bumukas na ang gate at bumungad si papa na halata ang antok sa mga mata.
"Mabuti't naka-uwi ka na, kumain ka na ba?" tanong nito.
"Oho," sagot ko. "Pipikit na mata ninyo. Ba't 'di pa kayo natutulog? May biyahe pa kayo ng tricycle bukas."
"Walang magbubukas sa 'yo ng gate," sabi nito. "Ba't 'di ka pa kasi mag-asawa nang may naghihintay na sa 'yo gabi-gabi?"
"Pa naman!" sabi ko na ikinatawa nito.
"Wala ba kahit nanunuyo? Imposibleng wala. Napakaganda ng anak ko, malaking bingwit sinasayang nila," sabi nito at nangiti.
"Wala po," sabi ko. "Kung meron man—"
Natigil ako nang tumunog ang phone ko. Nang tingnan ko ay text ni Felix ang lumabas sa screen.
'Glad to hear. May I call?'
Nakangiting umiling si papa. "Alam talaga ng Diyos ibuking ang mga sinungaling."
"Pa!" sabi ko na lalo nitong ikinatawa. "Mali po kayo ng iniisip—"
"Okay, okay," sabi nito pero halos mapunit ang labi dahil sa pagkakangiti. "Naniniwala ako."
Pumalatak ito habang pumapasok sa loob ng bahay.
Hindi ko alam kung dapat ba ako mahiya o ano pero nakita ko na lang ang sarili kong muling ngumiti. Isinilid ko ang phone ko sa bulsa ko at pumasok sa loob.
Pagpasok ko sa loob ay nadatnan kong ipinagpatuloy ni papa ang paghuhugas niya ng pinggan. Napakunot ang noo ko.
"'Di ho naghugas ng pinggan si Christian?" taka kong tanong.
"Napagod kalalaro roon sa ML niya, tuwang-tuwa sa bagong cellphone at nakatulog na," sagot nito habang nagsasabon.
Si Christian ay ang bunso kong kapatid na nasa Senior High. Nangako akong kung magiging With Honors siya ay bibilhan ko siya ng cellphone. Kaya nang nangyari ay tinupad ko rin. Ilang overtime din sa trabaho ang ginawa ko para lang mapag-ipunan iyon at kung titingnan, worth it naman ang puyat at pagod ko.
BINABASA MO ANG
Taking A Step Closer To You
RomanceThey said that love will find you on the most unexpected and unpredictable day of your life. Whoever said that may be right all along, because when I met a man who's a ray of sunshine in my pitch-dark times, I was definitely knocked off my senses. ...