Nang bahagyang umambon ay napatakbo ako sa saradong store at nakisilong sa labas niyon.
Habang tinitignan ang papalakas na ambon ay hindi ko maiwasang ma-amaze sa kung gaano ako kamalas na tao.
"Maia, lahat na ata ng kamalasan balak mo ang angkinin," bulong ko sa sarili.
Hinintay kong tumila ang ambon pero hindi naman iyon nangyayari. Instead, mas lalo lang itong lumakas.
Nakaramdam ako ng matinding pagod at antok.
Nakarinig ako ng tawanan ng mga lalaki. Kalalabas lang ng mga ito sa katapat na restaurant. Mukha itong mga lasing.
Umupo ako sa gilid at yumuko.
Hanggang kailan ako ganito?
Hanggang kailan magiging kawawa ang buhay ko?
Awang-awa na ako sa sarili ko.
Hanggang kailan ako magiging talunan sa buhay at wala pang nararating?
Bumuntong-hininga ako.
Natigil ako nang may mga paa sa harapan ko. Rubber shoes iyon na nanggagaling sa isang lalaki.
Tumingala ako at isang lalaki nga ang naroroon. Namumula nang bahagya ang pisngi nito at naghahalo ang mabango nitong perfume at ang alak.
Nakasuot ito ng itim na polo at bagsak ang itim na buhok.
He smiled at me.
"It's been a long time, Maia..." he mumbled.
My lips parted when I recognized him.
"Felix..."
Hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon ng buhay ko, siya't siya ang parating naririyan.
Madilim na ang paligid at lalong lumalakas ang ambon. Bumuka ang bibig ko pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa sitwasyon at hitsura ko ngayon.
Walang nagsasalita sa amin. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Without asking anything, tumabi sa akin si Felix at umupo sa sahig. Sumandal siya sa pinto ng saradong restaurant at bumuntong-hininga.
"Does rain make you feel good?" bigla niyang tanong.
Doon ko siya tiningnan. "Yes... Parang... it makes you feel like it's okay to cry."
Tumango si Felix. "I respect."
"Ikaw ba?" tanong ko. "Ayaw mo sa ulan?"
"Hindi naman sa ayaw pero... what if the rain reminds you of the saddest days of your life? Tapos ngayon you're trying to have a great day, leaving every misery behind and all of a sudden, it rains and it brings you all the flashbacks of the pain?"
"Well... that sounds... sad..." sagot ko at muling pinanood ang ambon na unti-unti nang nagiging ulan.
Muli kaming natahimik. Kahit ako ay hindi ko malaman ang sasabihin. Sobrang tagal namang hindi nagkita at hindi nag-usap.
"Hindi mo ba tatanungin kung bakit ganito ang sitwasyon ko ngayon?" tanong ko bigla.
Umiling siya. "Hindi ko kailangang mang-usisa. If you're comfortable sharing it, I'm all ears but if you wanna keep it private, I respect it."
Napangiti ako nang kaunti. Felix has always been this gentleman.
"Ikaw ba, hindi mo ako tatanungin kung ba't ako nandito?" Felix asked and looked at me.
I met his eyes. "Well, nakita kitang lumabas ng establishment na 'yon. Seems like you were drinking. Mukha kang lasing ngayon pero the way you talk, you seem sober."
BINABASA MO ANG
Taking A Step Closer To You
RomanceThey said that love will find you on the most unexpected and unpredictable day of your life. Whoever said that may be right all along, because when I met a man who's a ray of sunshine in my pitch-dark times, I was definitely knocked off my senses. ...